Chapter 1

39 1 0
                                    

"Sigurado ka ba na dito ka sasali? Mag-isip ka muna bago mo gawin ang desisyon, baka kasi magsisi ka sa huli."

Nandito ako ngayon sa garden ng school kasama si Ella. Pagkatunog ng bell ay ito na agad ang pumasok sa isip ko na kakausapin siya. Baka kasi bigla siya mag back out at mababawasan na naman kami ng isa pang member.

Yumuko siya sa akin. "I'm pretty sure though I know that you don't like me as a new member, but it's okay Penn. I understand."

Umiling ako. "Hindi naman sa ganun. Kinaklaro ko lang kasi na dapat a hundred percent sure ka na dito ka sa swim team and as a captain of this team. I'm just assuring that my new member will not hesitate her decision to join here."

"I'm not. Don't worry captain, I'm not a type of girl that shows up and disappear like a bubble." Hinawakan ko ang aking sintido at tinitigan lang siya. "I promise, kahit mamatay pa ako."

"Wag mo nga isali na mamatay ka. Pero sige, okay na. So wag kang mahiya sa amin dahil mga tao lang din kami kaya kung may kailangan ka man. Nandito lang kami, pamilya mo na rin kami Ella simula ngayon." Ngumiti ako saka ginulo ang malambot niyang buhok at mukhang amoy strawberry o strawberry mint siguro.

Nakita kong namula siya at tumalikod sa akin. Nagtaka ako bigla sa ikinilos niya, siguro hindi siya sanay sa ganito. "S-sige, I'll keep it on mind. I'm going back na, thank you."

May itatanong pa sana ako nang bigla siyang tumakbo ng mabilis at tila nagmamadali. Kumamot na lang ako sa batok habang tumatawa.

"Itatanong ko sana kung pumayag ang parents niya, pero mukhang may kailangan pa siya na gagawin."


"Si Penn Penn de saraPenn! Puro takas ang gawin!"

Pagkabalik ko ng classroom. Unang narinig ko ang tinig ni Pao, mukhang nag-iimbento ng iaasar sa akin.

Binatukan ko muna siya at narinig siya na nagreklamo. "Aba, hindi 'yan gagana sa akin Pao at alam mo ba kung ano ang gagana sa iyo?"

"Wag mo ng sabihin! Mapipikon na naman ako nito!"

Inakbayan ko siya at ngumiti, "Pao. Alam mo naman na trustworthy akong kaibigan at isa pa. Importante sana ang sasabihin ko dahil ito lang talaga ang gagana sa'yo."

"Ano naman 'yun?" nakita ko na curios siya kaya lihim akong tumawa.

"Debale na lang, tanungin mo na lang si Juls. Matalino 'yun pagdating sa word na gagana."

Hinampas niya lang ang kamay ko at mukhang bad trip dahil hindi ko itinuloy ang sasabihin ko. "Tangina mo pre. Sabi ko nga na pinagtitripan mo lang ako."

Nag walk out siya bigla habang ako ay humalakhak sa loob ng klase at doon naman lumapit si Julianne para batukan ako. "Aray!"

"Puro kalokohan talaga 'to. Halika na, baka maiiwan pa tayo nito ni Pao." Pinigilan ko na lang na tumawa saka tumango kay Juls at kinuha ang bagpack sabay labas ng silid-aralan.

Pag-uwi ko ng bahay ay unang pumasok sa isip ko na lutuan sina Mama at ang dalawa kong kapatid ng hapunan. Ang paborito nilang sinigang na manok. Pumasok muna ako ng kwarto para magbihis.

Nagsimula na ako sa aking ginagawa at hinintay ang pagdating nila. Ng matapos na ay inilapag ko sa hapag ang ulam at kanin. Saktong dumating ang dalawa kong kapatid.

"Kumusta ang pasok ninyo?" Hinubad ko muna ang aking apron saka lumapit sa dalawa.

"Ayos lang naman po yung sa akin kuya pero itong si bunso nakita ko kanina na binubully siya kaya ang ginawa ko sa nambully sa kaniya ay syempre pinagtanggol ko siya. Ang sasama kasi nila kuya."

Memoirs Of MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon