"Wtf! Sabing ayaw ko nga sumama e! Bakit niyo ako pinipilit na sumama! Ayaw ko nga! Nakakainis na kayo a!"
Muntik ng umiyak si Mika. Pinipilit kasi namin siya na sumama sa mission namin.
#OperationGhostHuntingAtHahanapinAngNagNgangalangDeliah! We'll be able to survive? Or maybe it'll be our time to say bye bye to earth. Joke!
"Huwag ka ngang oa babae, ghost are not real piste!" Naha-highblood na sigaw ni Julianne at halos makita ko na ang ugat sa kaniyang leeg dahil sa kahighbladan niya kay Mika. Jusko naman.
Ngunit itong si Mika talaga ay umaayaw pa din sa amin. Hindi ko rin naman siya masisisi.
"At huwag nga kayong mapilit! Kapag sabing ayaw ng tao, ayaw!"
"Bakit? Tao ka ba?" Sarkastikang tugon ni Julianne.
"Oo! Kahit ipa test mo pa ang sexy kong katawan!"
"Wow? Sa tingin mo sexy ka sa lagay na 'yan? Excuse me girl, ipapakita ko muna sa'yo ang malaputi at sexy kong katawan. Ano? Payt me!"
Mukhang mabibingi na ata ako sa sigawan ng dalawa at kaming dalawa naman ni Pao ay hindi lang man namin sila maawat. Kung sasali pa kasi kami ay baka masira pa ang gwapo kong pagmumukha. Ayaw ko masayang ang kagwapuhan na ibinigay ni Lord. Masyadong sayang.
"Sige ipagpatuloy niyo lang ang sigawan ninyo. Nakaka enjoy pakinggan, promise." Walang ganang sambit ni Ella sa kanila.
At aba, naka tagalog ang englisyerang pusa ko a.
"Ella naman kasi e, ayaw kong sumama!" Naiiyak nitong tugon.
"Mika don't be a baby. Mas matakot ka sa tao dahil sila ang papatay sa'yo at doon mo lang masasabi na ghost sila because they are totally dead." Nakakibit-balikat niyang saad.
Ang pusa ko talaga, apaka tapang na nilalang! Mas lalo mo pa akong pinapa fall e, at hindi rin pala sasaluhin sa huli. Cause of broken heart? One sided love, char!
"E si Pao?! Bakla 'yan! Natatakot siya sa mga multo."
Oo nga pala, nakalimutan ko si Paolo. Mabuti at niremind ako ni Mika.
"Hindi ako bakla! Kaya wag kang ano diyan Mika!" Inirapan lang siya ni Mika.
"Pre, alam mo na. Ano? G ka ba?" Tinataas baba ko pa ang kilay sa kaniya habang naka akbay ako.
"Ha! Ako pa pre, s-syempre sasama ako! Matatapang kaya ang mga nag ngangalang Paolo at isa na ako 'dun!" Matapang na sagot niya.
Sige nga, testingin natin kung gaano siya katapang.
Nandito kami ngayon sa sementeryo. Malapit na mag 9 ng gabi nang dumating kami sa harapan ng gate. May dala din kaming gasera at hindi flashlight. Mas maganda kung gasera para mas exciting, feel na feel ko kasi na nasa movie kami at syempre ako ang bidang lalaki at si Ella 'yung jowa ko. Kidding.
"Ella, nakakatakot."
Pinigilan naming tumawa ni Julianne sa ikinikilos ni Mika. Bumaling ang tingin ko sa katabi kong si Paolo. Nanginginig ang katawan niya sa takot.
"Akala ko matatapang ang mga nag ngangalang Paolo? Hindi ba?"
Umayos siya at taas noo akong sinagot.
"Wala ka b-bang tiwala sa kaibigan mo? Grabe ka naman Penn! HAHAHA!"
Ang awkward niyang tumawa. Awkward na lang din ako ngumiti at inagaw sa kaniya ang gasera baka e mahulog pa niya 'to mamaya. Magkakasunog pa dito.
"Exciting 'to mga ulol, gayahin niyo nga si Ella! Chill at matapang."
"Edi kayo na ang matapang!"

BINABASA MO ANG
Memoirs Of Melancholy
Teen FictionSi Peniel Delos Santos lang naman ang nag-iisang tamad na sekretarya ng kanilang klase ngunit gwapo na nilalang na captain sa swim team. Masiyahin siya at matalino ngunit hindi buo ang pamilya, iniwan kasi sila nito ng kanilang ama noong nag-bibina...