Kabanata 2

161 68 8
                                    

Kabanata 2

The door of the darkest room was once opened, I stood up as I chased the light illuminated the room, collecting the pieces I have lost all these years. However, as I was chasing the light, it starts fading away so I turned around and saw the doors closing back again. I screamed as I tried to open the door, my voice are cracking until I lost my voice. I nearly lost myself but I continue to stand up as a voice to those who're voiceless.

I was surprised when the mirrors suddenly came out of the room. I wandered around the room and saw my different faces in every mirror I could see. Napaupo ako sa sahig ng dahil sa gulat kaya nang makaupo ako bawat isa sa kanila ay lumapit sa akin. Natatakot akong umaatras pero mas nagulat ako sa biglang humawak ng aking balikat. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at nakita ko ang babaeng kapareho ng mukha ko kaya napasigaw ako hanggang sa binalot nila ako sa sako.

I woke up with my heart beating fast, napakapit ako sa aking dibdib at hinahabol ang aking paghinga. Napatingin ako sa bintana at nakikita ko na medyo madilim pa pero nagsisimula ng lumiwanag ang paligid.

Tumayo ako at pumunta sa tapat ng pinto. I gripped the doorknob and tried to open it. Napatingin ako sa bintana at lumapit doon. I tried to reach the window for me to open it pero hindi ko maabot kaya luminga linga ako at napatigil nang makita ko ang lamesa na nasa sulok.

Lumapit ako sa lamesa para itulak ito papunta sa ilalim ng bintana. Nang matapos ko itong itapat sa ilalim ng bintana agad akong pumatong sa lamesa at binuksan ang bintana. Hinanda at ingat ko ang sarili ko para makapasok ako sa bintana upang makalabas.

Nang makalabas na 'ko, agad kong pinaspasan ang sarili ko at dahan-dahang lumakad papunta sa gate pero bigla akong napahinto nang makita ang bag ko kasama ang malaking maleta na tiyak mga gamit ko ang nasa loob. Huminga ako ng malalim bago ko ito kinuha at nagmartsang papunta sa tapat ng gate ngunit sarado pa ito kaya dahan-dahan kong inihagis ang aking mga gamit papunta sa labas bago ako umakyat sa pader.

Heartless....

That's the only word came up from my mind. Napahinto ako sa tapat ng bahay nila Auntie at napangiti. Pumikit ako at huminga ng malalim at inalala ang mga panahon na tinanggap ako ni tita kahit labag sa kanyang kalooban.

After all these months, nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya kasi tinulongan niya 'ko mamuhay kahit papaano. Siguro kung wala siya hindi ko na alam kung saan ako pupunta at isa pa, siya lang naman ang natitirang kamag-anak ko kaya nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kahit ganito ang ginawa niya sa akin.

Kinapa ko ang wallet ko sa bag at kinuha 'yon tsaka binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may laman pa ito. Mostly kasi si Auntie hindi niya ako tinitirhan ng pera kahit piso pero ngayon may laman pang 1000 ang wallet ko.

Tinago ko ulit ito at pumara ng taxi papunta sa bahay ni Dad. Hindi nagtagal nakarating ako sa tapat ng bahay kaya binaba ko na ang aking mga bagahe at huminto sa gate. I felt my heart in pain when I remember the time my dad did that unexpected thing.

Napailing ako para iwasan ang mga naalala ko kaya agad kong pinindot ang doorbell. Maya-maya lumabas si Kuya Emman na parang kakagising pa lamang at parang mukhang nagulat siya nang makita niya 'ko kaya dali-dali niyang binuksan ang gate.

"Xia! Jusmeyo. Napakaaga naman ng dating mo! May nangyari ba doon sa bahay ng Auntie mo? Sabi ko na nga ba hindi makakapagtiwala-"

"Kuys, okay lang ako. Wala naman masyadong nangyari. Gusto ko lang bumalik dito.... that's it." I denied.

Tumingin si Kuya sa akin na parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko kaya magsasalita na sana siya nang pumasok ako sa loob ng bahay dala-dala ang mga gamit ko.

Worlds Above You [Book 1 of Parallel Worlds Duology]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon