Kabanata 4

133 52 7
                                        

Kabanata 4

"M-maid? As in katulong?" gulat na tanong ng babae.

Napaatras ako sa gulat kaya agad na kinuha ni Zafire ang braso niyang nakapalibot sa bewang ko. Tumikhim siya bago tumawa.

Hala? Anong nangyari doon? Nabaliw na ata?

"Yes! Ano bang problema doon?" biglang sumeryoso ang mukha at tono ni Zafire.

"R-really? As far as I remember ayaw mo na may kasama ka sa bahay and isa pa, you even refuse the maid that I offered to you." Halata sa boses nung babae na parang ayaw niya maniwala sa pinagsasabi ni Zafire kaya binabaling niya ang tingin niya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang mukha ko.

Umaatras si Zafire para makalapit siya sa akin kaya umayos ako ng tayo at napatingin sa lalake. Hanggang ngayon, nandito pa rin siya nanonood sa amin habang nakasandal sa tapat ng sasakyan nito.

Nakikita ko sa mukha niya na para bang nalilibang siya sa mga nangyayari ngayon. Like seriously? I'm not even enjoying this stupid dream. Gusto ko nang bumalik sa mundo ko.

"And also if she's really your maid, bakit umalis ito at umaktong may maling ginawa sa loob ng bahay mo?" Dugtong ng babae.

"Because....." he paused.

Napatingin siya sa akin bago niya hinawakan ang bawat panig ng aking ulo kaya napaharap ako sa babae na ikinagulat ko.

"Because you're scaring her.... see?" his voice became so soft.

"Oh c'mon, huwag mong itago ang identi-"

Patuloy pa rin sa pagsasalita ang babae pero hindi na ako nakapagpatuloy sa pakikinig sa kanya nang medyo nilapit ni Zafire ang sarili niya sa akin.

"Act like a victim. You can cry if you want. Just go ahead." he whispered and took his hands on both sides of my head.

Napaangat ang tingin ko sa kanya na parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. He blinked twice with his brow furrowed as if he's saying to start what I should do. Huminga ako ng malalim bago ko napag-isipan ang gagawin ko.

Lord ikaw na talaga bahala sa akin..... Hindi po ako artista pero mukhang magagamit ko talaga ang aking potensyal sa pag-aarte.

"W-wala n-naman akong kasalanan.... natakot lang naman kasi ako sa'yo at sa reaksyon mo n-nang makita mo ako. K-kaya sir..... I w-want you to t-trust me sir.... Hindi ko po gustong ma-mawalan ng t-trabaho." I acted all I can.

Napahinto na rin sa pagsasalita yung babae kaya lumuhod ako sa harapan ni Zafire para maging makatotohanan. Yumuko ako at tumulo ang mga pekeng luha sa aking mga mata.

Ha! Theater actress ako, girl. Huwag ka.

"Kita mo? She's scared because of you...." his soft voice became a scary one.

His gaze lowered as he positioned himself on my level. Hinawakan niya 'ko sa magkaliwang balikat ko at inalalayan na tumayo.

"Let's go inside." aya nito sabay talikod sa kanila.

Nadatnan ng mata ko ang mukha ng babae na parang naguiguilty sa ginawa niya so she gave me an apologetic smile. Habang naglalakad kami ay nakahawak pa rin ang kamay nung Zafire sa magkabilang balikat ko.

Worlds Above You [Book 1 of Parallel Worlds Duology]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon