3|Vacation turned hell Pt. 2
Nandito na kami ngayon ni Mom sa isang spa sa loob ng SM City Cebu, inaya na kasi agad ako ni Mom ng makita niya akong natutulog sa isa sa mga sofa sa living room, nagpunta muna siya sa kitchen at nagluluto siya nang kakainin namin sa tanghalian, pinipigilan na nga siya ng kasambahay ni Dad pero ayaw niya paring papigil.
Napailing nalang ako.
Ganyan talaga si Mom, kahit sa bahay namin sa Manila, ayaw niyang may naglulutong iba sa kusina, siya daw kasi ang nag iisang nakatoka doon, diba wow! hahahah! Nagkasambahay pa siya kung siya pang din pala ang gagawa ng lahat. Minsan nga pati gawaing bahay siya pa gumagawa, kaya ayun... ang mga kasambahay namin feeling awkward na kasi nga sila nakaupo samantalang yung amo nila, naglilinis at masayang masaya sa ginagawa niya.
Mapapailing ka nalang talaga kay Mom e.
Ayun na nga. Pinagluto niya kami ng paburitong putahe ni Dad na siya ring paburito niya lutuin sa Maynila.
Tsk! May samteng fishy na talaga dito guys! Hahahha chorlang! Nagluto lang si Mom nang sweet and sour pork with pineapple, naging paburito ko na nga rin yun sa dalas niyang lutuin sa Manila.
By the way... mabalik na tayo sa spa, yun na nga okay narin naman dito sa napiling puntahan ni Mom at makakapagrelax-relax pa kami, kaysa sa Ktv or sa Tom's World, na kaylangan mo pang magpagod. Dito sa spa, nakahiga kalang at chillax hahahha! Parang Judge lang ang peg a! Lakas maka chillax hahahaha!
Pagkatapos namin magchillax sa may spa... well, di ko na imemention yung pangalan ng spa kasi di naman siya ganun kasikat, pero okay naman yung pag-iispa nila, mabilis at masarap nga din sa pakiramdam like sa mga Premium Spa na lagi naming pinupuntahan sa SM MOA sa manila e, tsk! Namiss ko tuloy yung mga ganung gala namin ni Mom, ngayon ko na nga lang ulit nagawa to with her e. Lagi kasing sila ni Tito Frankie'ng umaalis kaya ako nalang lagi at ang mga yaya ang naiiwan, minsan naman siya sa bahay at ako naman ay school naman at pag-uwi sa bahay... yun balik sa pagiging lonely, napakabusy kasi lalo pa at isa akong representative ng section namin kaya dapat lagi akong kasama sa mga meeting na may kinalaman sa school, yun tuloy late na akong umuuwi at sobra pa sa maaga akong pumapasok nitong nakaraang school year, tsk! Ito na siguro ang time para magsaya ulit kami ni Mom.
Inaya naman ako ngayon ni Mom na magshopping. Like what's expected to mom, ayun kasi ang paburito niyang part. Ako kasi ang paburito kong part sa mga gala-gala namin is yung pagkain namin sa ibat ibang resto. Ayun ang gusto kong part, wala naman akong paki-alam kung madami akong kainin kasi naman... hindi talaga ako tumataba. Sabi nga ni Mom and Dad dati ay baka daw may bulate lang ako sa tyan kaya ang payat ko, pero ng lumaki na ako ayun sexy na ako sa paningin nila. Di nila kasi kayang aminin na petite lang talaga ang anak nila nung bata kaya mapayat, akala kasi nila malnourished ako noon. Tsk!
So yun nanga, buti nalang talaga at nasa probinsya kami kung hindi baka nanakawan na kami ni Mom sa dami naming biniling mga mamahaling gamit at damit sa iba't ibang luxury brand.
Ako bumili lang ako ng isang Luis Vitton shoulder bag na maid in Paris, samantalang si Mom naman bumili ng sandamakmak na Channel brand na shoulder bags na akala mo hindi na ulit siya makaka-ulit kaya naman binili na niya ang lahat ng gusto niya na nakalagay sa tindahan ng mamahaling brand nayun.
Grabe! Tinamaan nanaman ata siya ng topak niya. Tsk! Daig pa niya si lola Dionisya sa pag-gasta ng pera!
"Oh anak, san mo pa gustong pumunta? Kain na ba tayo?" Tanong niya sakin habang inaayos ang mga paperbag na dala dala niya sa mga braso at kamay niya.
"I think we should eat now?" Patanong ko ring sagot sa kanya, malay mo kasi gusto niya pa'ng limasin lahat ng Gucci dito sa SM diba?
Tumango naman siya at saka itinuro yung malapit na fastfood resto na lagi naming pinupuntahan pagkatapos magshopping, ang jollibebes ko! Huhuhu namis ko to!
BINABASA MO ANG
Enamored by Darkness: The Chronicles of Clerion Collins
VampireSynopsis: In a world where forbidden love tests the boundaries of mortal existence, the enchanting tale of Clerion Collins unfolds. Alyana Rios, a celebrated model, finds herself drawn to the enigmatic allure of Clerion, a vampire who defies the con...