Kabanata 5|Ups and downs

51 12 0
                                    


5|Ups and downs

Nasa bahay na kami ngayon ni Mom, natataranta parin siya dahil tumatawag na nga sa kanya yung manager ko. Yes, isa din kasi akong modelo sa isang Teen edition ng isang sikat na magazine sa manila. Wala ewan ko kung pano but yun paggising ko bigla nalang sinabi ni Mom na pumunta ako sa lugar na to kasi may kakausap sakin, yun pala papasalihin niya lang ako sa isang modeling shushunes and then boom! Someone from the Vogue Ph scouted me and then yun naging model na nga ako ng wala sa oras.

Pero yun na nga... binubulabog kami ngayon nang management ng magazine nayun about sa issue na kumakalat tungkol sa akin. Ang masama pa dun sabi ni Mom yung iba daw na dati ay nagkakandarapa para kunin ako sa mga modeling company nila ay umaayaw na ngayon dahil sa issue na yun. They thought kasi na totoo yung issue na nagparetoke lang ako. Tsk! Nakikiuso lang yung mga e!

Hindi kasi nila kaya yung TF ko. Masyadong mahal.

Anyways, di naman yun kawalan sakin dahil hindi naman ako ang mawawalan ng isang magandang modelo. Saan saan pa at hindi narin naman bebenta ang mga tsismis nayun tungkol sakin at madami na uling magkakandarapa na kunin ako as a model or ambassador ng produkto nila. Sinayang nila ang natural kong kagandahan. Mmp!

Maya maya lang ay naghuhumirantado na si mom at iniaabot saakin ang telepono. "Anak! Tara dito! Your manager is calling!" Sinenyas niya pa sa akin ang phone na hawak niya. Tsk! Ano nanamang sasabihin niyang manager na yan, kani kanina lang pinapagalitan ako, bakit ko daw binigay ko kay Catrina yung picture na yun, duh! Malay ko bang asas pala yun impaktitang yun.

Nakakainis talaga!

Kinuha ko kay Mom yung phone at saka kinausap si manager.

Binulyawan nanaman ako ng aking manager. "Aya! Philippine Magazines kick you out of their new release of model!" Nakakabingi talaga ang boses ng baklang to, hindi na naawa sa eardrums ko. "Tinanggal ka nila! You need to do something about this issue or else mawawala na ang pinaghirapan natin in all these years!" Sabi ko nangaba e, bad news nanaman ang hatid nang lokong to sakin.

Napairap nalang ako. Kahit akong wala naman talagang pake sa kasikatan ko ay na-stress dahil sa kanila. Alam niyo guys, nakakahawa nga talaga ang stress. "But manager! What will I do? Alam mo naman na wala din akong magagawa diyan!" Sigaw ko na din sa kanya.

Napabuntong si manager sa kabilang linya.

Pero hindi ko inasahan ang mga sinabi niyang sumunod.

"Sabi mo diba mataas na kawani nang polisya yung tatay mo?" tanong niya.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. "So! Ano namang kinalaman nun?" inis kong saad sa kanya.

"kung humingi na kaya tayo nang tulong sa kanya, kailangan na nating gumawa ng aksyon sa mga nangyayaring ito o tayo din ang magsisisi sa huli kapag hindi pa natin ito tinapos agad, unti unti ka nang tinatanggal ng mga modeling Companies na pinagtatrabahuhan mo!" Halata sa boses ng aking manager na talagang pagod na siya. Siguro dahil pinuputakte na siya ng mga tawag at mga reporters na nais akong mainterview. Kaawa awa naman pala siya. Pero buti nalang talaga at umalis ako, kung hindi baka tinubuan na ako ng madaming tigyawat dahil sa stress ko sa mga paparazzi na nais makakuha ng impormasyon tungkol sa issue ko at sumikat.

"By the way may pupuntahan papala ako, tatawag nalang ako kapag may problema nanamang nangyari dito." Sabi niya at pinatay na ang cellphone, grabe talaga walang manners! Hindi na tuloy ako nakapagpaalam at nakapag-follow up questions sa kanya. Hayaan mo na nga. Kapag tumawag nalang ulit siya.

Ibinalik ko kay Mom ang phone saka siya nagtanong sakin kung anong sinabi ni manager. Edi yun kinuwento ko sa kanya, yun tuloy kinulit nanaman ako na humingi na kami nang tulong kay Dad.

Enamored by Darkness: The Chronicles of Clerion CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon