6|Police Officer StevenDumating na ang panahon na kinatatakutan ko, galit na galit si Dad pagkauwi niya, para siyang bagyo na gusto kaming i-wash out ni Mom. Napangiwi nalang ako ng tanungin niya si Mom about sa nangyayari.
Nung una hindi pa makasagot si Mom pero ng sinigawan na siya ni dad ay dun palang siya nakapagsalita at sinabi kay dad ang problema na aming kinakaharap.
Napahilamos sa mukha si dad dahil sa inis na kanyang naramdaman. "Paano nangyaring may ganitong nangbabastos sa anak ko, at ano? Kaibigan pa niya ang gumawa nito? Sabihin mo sakin Josephine, anong pinaggagagawa niyong mag ina sa Maynila?" Galit na tanong ni dad kay mom at sa akin.
Umiling naman agad si mom para depensahan ang sarili niya.
Ako naman ay agad na nagpaliwanag sa aking ama na pinanlilisikan na si mom na naiiyak na dahil sa takot kay dad. "Nothing dad—ah—hh talagang back stabber lang yung Catrina na yun kaya niya ginawa to ginawa." pagpapaliwanag ko sa aking ama.
"Wala akaming ginagawang masama ni Mom." Kinalma ni dad ang sarili niya at saka bumaling sakin. Malambot na ang kanyang tingin si tulad ng kanina na parang halimaw na mananakit nalang bigla-bigla.
Siguro nabigla lang din siya sa mga pangyayari gayong wala naman siyang gaanong alam sa mga nangyayari saakin sa manila kahit na palagi kaming nagvi-vedio call.
Tumingin saakin si dad na para bang may gusyo siyang itanong. At ng hindi na niya kayang itago pa ito ay nagtanong na talaga siya.
"Pero anak, how can she do this to you kung wala kang ginawa sa kanya? Sa tingin mo ba gagawan ka nalang ng isang tao ng mali kung walang dahilan?" naguguluhan niyang tanong. Kahit naman siguro kahit sino maguguluhan sa nangyari sa friendship namin ni Catrina. Pero isa lang talaga ang hindi malabo... na isa siyang traydor.
Umilung lang ako dahil wala din naman akong alam kung bakit ba galit na galit saakin ang babae na iyon.
Napailing iling nalang si dad ng dahil sa pagtahimik ko. "At kung mayroon man siyang motibo kaya niya ginawa to sayo ano naman yun? Kung wala kang ginagawa... bakit naman niya gagawin sayo to? Ang ipahiya ka sa social media? Sa isang paraan na madudurog ang buong pagkatao mo?" Tanong niya, seryoso at para bang naghahanap ng sagot sa lahat ng katanungan niya.
Hays ano ba ito, imbestigasyon na?
Kaya naman sumagot narin ako para depensahan ang sarili ko. Para kasing ako pa ang masama diti at may ginawang hindi dapat kaya ako ginagawan ng masama ng babaeng yun. E sa wala naman talaga akong alam e. "Pero Dad wala naman talaga akong ginagawang masama. She's my traitor ex-bestfriend... gagawin niya ang lahat para sirain ako sa iba, at para sumikat siya. Ginawa niya nga akong credit card e. Fame whore siya Dad, she can do anything just to be famous... hindi ba pwedeng yun lang ang dahilan?" Sagot ko nanaman sa tanong niya, may konting inis sa boses ko kasi feeling ko pinaghihinalaan niya ako. But heck! Wala naman talaga akong ginawa para magalit ng ganoon saakin si Catrina.
Sumingit si Mom sa usapan at pinigilan na si dad sa pag-i-interrogate sa akin. "Andrue, your daughter is right... wala siyang ginagawang masama, mabait siyang bata!" Si Mom. Tiningnan lang siya ni Dad at saka bumaling ulit sakin at saka umiling iling.
Mukhang nadidisappoint sa mga nangyayari.
Ngunit mukha namang tutulungan niya na kami.
"Stay here, kayong dalawa... I will call my friend in Cyber Crime Decision ng PNP at tatawag narin ako sa NBI, gagawin ko ang lahat para hindi na magtuloy pa ang mga issue na to," Sabi niyang seryoso at iniwan kami ni mom sa sala kung saan kami naroroon.
BINABASA MO ANG
Enamored by Darkness: The Chronicles of Clerion Collins
VampireSynopsis: In a world where forbidden love tests the boundaries of mortal existence, the enchanting tale of Clerion Collins unfolds. Alyana Rios, a celebrated model, finds herself drawn to the enigmatic allure of Clerion, a vampire who defies the con...