Kabanata 4|Picture

48 12 0
                                    


4|Picture

Hindi ko alam kung matatatawa ba ako or maiinis nang makita ko yung picture na sinasabi nila, nakakatawa kasi yung itsura ko dun e, naka-whacky pa ako kaya nagmukha tuloy akong dugyuting bata sa lansangan.

Pero ang nakakainis nun ay sinabihan akong peke, anong peke dun... mukha ba akong peke? Gumanda lang peke na agad? Ang sama talaga mag isip nang mga tao, parang akala mo naman di sila naging dugyot nung kabataan nila, parang mga tanga!

Nakita kong mukhang natataranta si Mom kaya nan sinabihan ko siya na wag ng mag alala.

"Mom don't worry mom, sinisiraan lang nila ako, alam mo naman siguro na nadaan lang sa skin care tong mukha ko at ni hindi ako gumamit nang gluta or nagparetoretoke tulad ng sinasabi nila na yun." Sabi ko kay Mom, tinanguan naman niya ako. Pero mukha parin siyang nagaalala ng malala sa pangyayari. Hays, kung bakit pa ba kasi nangyari ang bagay na to.

"Pero anak... sinisiraan ka na nila, shouldn't we do something about it? You know your father is a chief derector, he can help us on this." Sabi naman ni Mom, niyuyugyog niya pa ako. Pinaupo ko nalang siya at pinakalma, ito namang si Mom, daig niya pa si sisa kung mag alala sa mga anak niya, tsk! Pagka siya nabaliw tatawanan ko lang siya. Hahahha!

Napairap nalang ako sa kanya "Mom if dad knew about this, do you think papauwiin niya pa ako sa manila, diba hindi?" Napatulala naman siya sa sinabi ko, napatango at hinawakan ako sa kamay.

Napapailing siya habang di mapakali saka siya tumingin sa akin. "Pero how we can solve this problem kung di tayo manghihingi nang tulong sa daddy mo, paano nalang ang reputasyon mo... ang pangalan mo, mas mahalaga pa ba sa reputasyon mo ang pag uwi mo sa Maynila?" Si Mom naman na pinipilit parin ang paghingi nang tulong kay Dad. Pero hindi parin ako makapaniwala na iniisip ko to. Shit naman kasi. Do I deserve to be like this? To gain this kind of problem?

Natawa nalang ako.

Hindi parin ako makapaniwala. "Hayaan nalang natin yan ma... let's eat first, nagugutom na talaga ako ang tagal mo kasi e." Sabi ko nalang sa kanya, kaylangan ko nang putulin ang mga nasa utak ni Mom, mamaya mabaliw pa siya sa kakaisip kung papaano ako maililigtas sa kabaliwan nang dati kong kaklase ko.

Tumango nalang sila at kumain na kami.

Napasarap pa nga ang kain namin kaya nagsecond order pa kami at talagang nagpakasasa kaming magnanay sa Jollibee, kami na nga ata ang may pinakamalaking naorder sa lahat narito ngayon dahil talagang sobrang dami naming inorder nung pangalawang time namin, halos mamatay narin kami sa kabusugan bago kami umalis ng fastfood nayun.

My God! Nagtake-out pa si Mom, baka akalain ng mga tao dito mga patay gutom, daig pa namin ilang buwan hindi kumain dahil sa dami naming biniling take-out. Napapatingin na nga lang samin yung mga kasabayan namim sa Jollibee e.

Nang umalis na kami sa Fastfood nayun ay pinagtitinginan parin kami dahil sa mga luxurious brand na nakatatak sa mga dala dala naming sandamak-mak na paperbags at sa mga dala-dala rin naming mga pagkain mula sa Jollibee, mukha nanga kaming tanga dahil sa dami naming bitbit pero... Ano bang paki nila. Hindi naman sila ang nagbibitbit at bumili nito ah, wala dapat pakialaman nang trip.

Pagkatapos naming magmall ay nagpasundo na agad kami sa driver ni Dad paderetso sa baha. Need na naming mag rest mga besh e, nakakastress kasi ang araw nato.

Nang dumating na ang sasakyan ni Dad lulan nito ang driver niya at nang makita kami ay nagpark na ito malapit sa amin at kinuha ang mga dala naming mga gamit. Giniya narin niya kami papasok ng sasakyan at saka siya pumunta sa driver seat ng makaupo na kami sa aming mga upuan.

Nang mawalan na nang paki samin yung driver ay saka palang kami ulit nakapag usap ni Mom sa nangyari kanina. Nakakainis talaga. Pero nakakatawa in the same time kasi naalala ko nananamn yung kadugyutan ko nung elem palang ako, pero duh!

Sino namang nagsabing nagparetoke ako para lang gumanda, hindi naman ako ganun ka desperadang gumanda noh!

Igaya nila ako sa kanila na sa sobrang desperada na maungusan ako ay kinailangan pa akong siraan, hahahah! Napakapathetic naman nila, particularly that Catrina... mukha naman siyang dagang bukid na gustong maging hamster hahahaha!

Mga pathetic ang mga hinayupak!

"Why did she do this to you my daughter... may ginawa ka bang masama sa kanya... nag away ba kayo o ano? Sinaktan mo ba siya para gawin niya to sayo? Bakit ka niya sinisiraan gayong wala ka naman palang hinagawa sa kanya... akala ko ba kaibigan mo siya anak?" Tanong ni Mom, siguro ay nagtataka siya sa mga nangyari dahil pinakilala ko si Catrina as a friend tapos mauuwi sa ganitong sitwasyon na siya na ngayon ang naninira sakin. Nakakatawa diba, minsan talaga sinasayang lang ng iba yung tiwalang ipinagkakatiwala niyo sa kanya, kasi kapag nasira na ng iba, mahirap nang maibalik sa dati nitong kalagayan or worst hindi na talaga ma repair at masira nalang habang buhay.

That is trust, sing tibay nang pader na bakal pero kasing hirap nang pagpasok sa butas ng karayom para magawa itong mabuo muli. Hindi mo na mababalik sa dati kasi maaaring may kulang na part na hindi na natin kaylan man mahahanap. At ganun ang nangyari sa tiwala ko kay Catrina... she betrayed me, she's my best of all friends but she's a traitor, she just use me to be famous, used her best friend as a credit card,  and after niyang maging satisfied... saka ka niya sasaksakin sa likuran at papalubugin tulad ng ginawa niya saakin, napakabaliw na babae, ginagawa nila ang lahat para lang sumikat siya at para maungusan niya ang lahat. Tsk! Such a loser!

"Mom wala akong nagawang masama sa kanya para gawin niya to saakin, I give her what she want... I give her my trust, I give her friend can give to his or her friends, but she just betrayed me. A couple of time mom, so yun napagdesisyonan ko nalang siyang hindi pansinin tas yun binack stab niya na ako." Saad ko sa nanaya ko na hindi parin makapaniwala.

Nagpatuloy ako. "I'm done with her mom, but I don't know why she do this this time... I thought she stop, nakakadismaya lang dahil hanggang ngayon pala ay ninanais niya parin akong pabagsakin." Sabi ko nalang sa malungkot na tono. Sino ba namang mag-aakal na ang sarili mong kaibigan ang magpapabagsak sayo.

Hindi kapani-paniwala right?

But sorry may ganoon talagang mga tao, mga nakatago lang sila sa mga maskara bilang mababait pero sa likod ng mga maskarang yun may halimaw palang nakatago, malas ko lang at naging kaibigan ko pa ang mapagbalatkayong halimaw nayon.

Napailing nalang si Mom dahil hindi niya maintindihan ang point ko. Napahilamos pa siya nang kanyang mukha nagaalala sa maaring mangyari.

Bakit ba ang big deal naman ata nang pagkalat ng childhood photo ko, hindi naman ako ganun kasama nun ah? Para nang napakapangit ko talaga nung elem palang ako. nabansagan pa nga ako dati nang mga teachers ko nung elem na morena beauty dahil sa angking kagandahan tapos pagtatawanan nila ako. duh! Pero sabagay ang epic nga talaga nang kuha ko na yun dahil pinagkapangit-pangit ko talaga yung mukha ko, sabi kasi nila kapag wacky daw ang pause, dapat daw nakakatawa yung itsura mo, kaya yun naisip ko na gawing super-duper pangit ang face ko dun. Di ko naman kasi alam na gagawin akong memes in the future ng mga bashers ko at ng kaibigan kong traydor. Kung alam ko lang nga ay baka mas pinapangit ko pa sana ang mukha ko dun para mas epic edi mas sikat ako noh!

Napairap nalamg ako at saka hindi na inintindi ang mga nangyayari. Para saan pa kung magpapa stress ako sa mga ganoon kaliit na bagay. Tsk! Hindi naman yun ganoon kabig deal para saakin.

Neknek niya lang kung makuha niya ako sa mga ganoong kawalang ka kwenta kwentang mga bagay. Such a loser. Mas pinatunayan lang niya na hindi siya karapat dapat pagkatiwalaan ng kahit sino.

Social climbers like her belongs to be nobody. Sana kapag bumalik na sa kanya ang karma niya pinapanalangin ko lang na hindi yun maging sobrang bigat. Kasi, wala na siyang masasandalan. Wala na kasi siyang kaibigan dahil wala ng nagtitiwala sa kanya.

That's for sure.

Enamored by Darkness: The Chronicles of Clerion CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon