✿fifteen

465 27 0
                                    

THIRD PERSON'S

"Lucy, gumising ka na may naghihintay sayo sa baba" gising sa kanya ng nanay niya. Napabalikwas si Lucy nang marinig niyang may naghihintay sa kanya sa baba.

"Nga pala, papasok na ako anak. Si Ate Lucille mo nauna na. Maghanda ka na din at papasok ka na mamaya. Goodluck anak" ngumiti lang si Lucy habang nakapikit at saka kinusot ang kanyang mata.

Hindi nagtagal, nang tuluyan na siyang matauhan ay bumaba na ito upang tignan kung sino ang naghihintay para sa kanya.

"Good Morning!" napatigil ito sa paghikab ng makilala niya ang boses na pinanggalingan nito.

"OMG!" Nagulat siya at agad na tinakpan ang kanyang mukha para hindi ito makita ng binata.

"Why are you hiding?" Natatawang tanong ni Troye sa dalaga habang pilit nitong tinatago ang kanyang mukha.

"Panget ako pag bagong gising. Bakit ka ba kase nandito?!" singhal niya sa binata. Bahagyang nagulat si Troye sa pag-sigaw nito ngunit natawa din kalaunan.

"You are beautiful, Lucy. Kahit wala kang make-up. You are the most beautiful lady in my eyes" his words makes the girl stunned. Hindi niya inaasahang sasabihin ito ni Troye sa kanya

"W-wag ka ngang magbiro ng ganyan, Kuya! H-hahahaha. M-magbibihis lang ako" sabi nito at saka dali-daling tumalikod kay Troye at umakyat sa kwarto nito.

"I am not joking, Lucy!" Napatigil si Lucy sa biglang pag sigaw ni Troye.

"You are beautiful" ramdam niya ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa mukha niya kaya dali dali na muli itong tumungo sa kanyang kwarto.

Napasandal na lamang ito sa pinto ng kanyang kwarto habang hawak hawak ang dibdib nito. She couldn't help but to smile. Getting praised by the one she likes is very overwhelming for her.

"Act normal, Lucy! Wag ka magpapahalata sa kanya" sabi muna nito sa sarili bago tumungo sa banyo para makapag-bihis na.

What's wrong with him?

Natatanong ni Lucy sa sarili dahil sa totoo lang kahit siya ay hindi niya rin maintidihan ang binata dahil may mga puntong mapagbiro ito at minsan ding seryoso gaya ng nangyari kanina. It makes her build more confidence na hindi malabong may nararamdaman na rin itong kakaiba para sa dalaga kahit ang totoo ay inuuto niya lang ang sarili niya

She just shrugged off her thoughts at lumabas na ng banyo matapos nitong maligo. Pagkalabas nito ay mabilis siyang nagsuot ng uniform at bumaba para salubungin si Troye pero hindi niya ito namataan sa sala kung saan siya nakapwesto kanina.

"Kuya?" tawag niya sa binata habang pababa ng hagdan pero wala ni-isa ang sumagot sa kanya.

Maybe nainip na siya kakahintay sakin at nauna na siya.

Sa thought pa lang na iyon ay napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa hapdi na nararamdaman niya. Sino nga naman siya para hintayin ni Troye, she's just a useless friend to him. Napailing na lang ito nang makaramdam siya ng gutom. She looked at her wrist watch at may 2 hours pa siya bago magsimula ang klase niya.

Nagtungo ito sa kusina para sana kumuha ng makakain. But then she stopped her tracks nang makita niya si Troye sa harap  kitchen counter and he seems really busy doing something. She felt her heart starting to beat erratically. Napatitig na lamang ito sa binatang busy sa paghahanda ng sandwich

She doesn't know kung dahil ba sa sinag ng araw ay mas lalong nangibabaw ang ka-gwapuhan ni Troye. His eyes are sparkling like the stars every night. Kitang kita din ang magandang hubog ng panga nito.

"Uy, andyan ka na pala. Come here. Sabi ni Tita hindi ka pa daw kumakain so I thought I should make us food atleast?" She couldn't help but to smile.

She just stared at him for a minute admiring how tall he was and how his eyes sparkles. Nakakagaan ng kalooban. Buong akala niya ay talagang iniwan na siya nito.

"A-akala ko umalis ka na" nauutal na sabi nito.

"Why would I leave you? Diba sabi ko nga sabay tayo?" yumuko ito at saka patagong ngumiti.

"Halika na. Sabay na tayo kumain" she hesitated at first pero wala na rin siyang choice kundi lumapit.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Ako na lang dapat yung gumawa ng makakain. Ikaw yung bisita eh" napatawa lang ang binata. He really finds her cute lalo kapag nahihiya ito.

"I don't mind tho" sabi nito sabay kagat nito sa hawak hawak na sandwich.

"Si Ate Lucille nga pala?" Napatingin ito sa binata dahil sa tanong nito.

"O-oh. Maaga kase pasok niya eh so hindi kami nagkakasabay papunta ng school" napatango lang ito at saka bumalik sa pagkain.

"Hey Lucy?" Napatingala muli siya nang tawagin siya ni Troye.

"Hmm?" He smiled at bit atsaka inangat ang kamay nito para linisin ang gilid ng labi ni Lucy.

She startled a bit dahil sa biglaang ginawa ni Troye kaya muli itong napayuko dahil sa hiya. She also felt her cheeks starting to burn up.

She just heard him chuckle.

"By the way, alis na tayo? Anong oras na rin pala" tumango lang si Lucy bago uminom ng tubig at binitbit ang bag nito.

TO BE CONTINUED..

❛Kuya❜ ┇K.TH x L.CY✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon