✿forty-one

339 22 6
                                    

TROYE

"That should be me, holding your hand
That should be me, making you laugh
That should be me, this is so sad
That should be me,That should be me
That should be me, feeling your kiss
That should be me, buying you gifts-"

"Ouch!" daing ko dahil napaka-galing lang nitong tumatawag. Alas-sais pa lang ng umaga eh. Habang hinihimas ko ang ulo ko ay kaagad kong kinuha ang phone ko at tignan kung sino ang tumatawag

Yohanne

"GOOD-" hindi ko agad siya pinatapos ng sasabihin niya dahil pinutol ko agad ito.

"Alam mo ba kung anong oras pa lang?" seryosong tanong ko.

"6:20 am. Bakit mo natanong?" napaface-palm na lamang ako. Talaga naman oh!

"Yohanne naman! Tulog pa yung tao eh. Nahulog pa ako higaan dahil sayo. Kajirits ah. Bakit ka ba tumawag?" singhal ko sa kanya. Ang sakit ng ulo ko dun ah.

"Itatanong ko lang kung kamusta yung GIFT mo kay Lucy" tanong niya tapos naka-emphasize pa yung 'Gift' jusko!

Pero may weird akong napanaginipan. Nangyare ba talaga yun? Teka lang! Sana hindi naman.

"HOY!" halos ilayo ko na yung phone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya.

"Ano ba! Ang ingay ng bunganga mo. Mas malakas pa boses mo kay Sunshine. Tss"

"Attitude mo ha! Ang tagal mo kayang sumagot. Malay ko ba kung ano ng nangyare sayo dyan dzuh" bahagya akong napatawa sa sinabi niya. Kung maririnig niyo lang talaga kung paano siya magsalita baka akalain niyong bakla talaga 'to

"Tss. Maayos naman yung nangyare. Kaso may napanaginipan ako kagabi. Hindi ko alam kung talagang nangyare"

"Kwento mo naman" napairap naman ako sa sinabi niya. Chismoso talaga nito. Ang tanda tanda na eh.

Charooot! Baka magalit yun pag nalaman niyang binanack-stab ko siya kekekke.

"I confessed to her. Hindi ko alam kung talaga bang ginawa ko yun"

"Lasing ka ba? At bakit hindi mo matandaan?" Hindi naman ako uminom kagabi eh. I'm completely fine nung sinundo ko siya kagabi.

"Hindi. Wala namang alcohol kagabi. Bakit ako malalasing?"

"Maliban na lang kung... TROYE KANG! WAG MO SABIHING HUMIHITHIT KA!" napabuga ako ng hangin. Sira na talaga utak nitong matandang 'to.

"Hithit pinagsasabi mo dyan?! Mahal ko pamilya ko. Never ako magsha-shabu ano ba!" narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya. Agik agik din 'tong isang 'to.

Hindi nga ako umiinom, mag-shabu pa kaya. Jusko lord, patawarin mo po si Yohanne.

"Alam mo, isa lang ibig sabihin niyan" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Please, sana maayos na 'to

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya

"Kailangan mo na talaga mag-confess kay Lucy" hindi ako makaimik. I want to, gustong gusto kong malaman niya kung gaano ko siya kagusto kaso natatakot ako.

Is it really worth fighting for?

"Oh, napag-isipan mo na ba? Ang tahimik mo eh"

"Yohanne, what if hindi pala ako gusto ni Lucy pabalik?"

"Troye naman. Yan ba ang iniisip mo kung bakit ayaw mo mag-confess?" Tanong niya.

"Y-yeah" rinig ko ang buntong hininga niya. Sana makatulong si Yohanne. I'm still doubting. Hindi ko alam kung anong tama kong gawin

"Bakit mo ba kase iniisip yan?" Tanong niya

"Ayoko lang ma-awkward siya sakin hyung. What if hindi niya ako gusto? What if mawala yung friendship namin? Ayoko nun"

"Troye, maganda na yung masabi mo yung totoong nararamdaman mo para sa kanya. Atleast she's aware. Saka puro ka negative thoughts. Paano kung gusto ka rin niya? Edi nagsayang ka ng panahon diba. Don't be afraid of taking risk, Troye. If ever man na she doesn't like you? Atleast you've learned from your mistake. Kung hindi kayo para sa isa't isa, edi hindi. Pero my point is you should atleast try, Troye. Take a risk" eto din yung eksaktong sinabi sakin ni Kairo nung birthday ni Lucy

Maybe I really should try.

TO BE CONTINUED..

❛Kuya❜ ┇K.TH x L.CY✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon