✿forty-nine

315 23 9
                                    

LUCY

"Bakit naman kaya ako papapuntahin nun?" hindi ko alam basta kinakabahan ako. Nung chinat ako ni Ate Sunshine bigla akong kinabahan.

Nag-skip din siya ng last class. Ganun ba talaga kahalaga yung sasabihin niya? Kinakabahan talaga ako.

Buti na lang at medyo maliwanag pa kaya buong lakas akong umakyat ng rooftop. Sa hagdan pa lang ay may naririnig na akong nagsasalita. Boses ni Kuya yun.

Shocks, grabe yung tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Kumalma ka please

"How long it has been?" rinig kong tanong ng babae. Even the girl's voice is very familiar. Sino nga ulit yun? Gosh!

"Almost a year" this time, it was Kuya's voice.

Nang makarating ako sa may entrance door ng rooftop ay dahan dahan ko itong binuksan. Ingat na ingat para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay.

"How?"

"I don't know. Hindi ko alam kung paano. Basta I just admire her. She was cute and beautiful at the same time. She was the only girl I'd love to see everyday. And to think that she was really different to other girls" nang makapasok ako ay pinagpagan ko agad ang palda ko. Medyo maalikabok kase sa paligid eh.

"Ella, she was really different" napatigil ako sa pagpagpag ng palda ko at napatingin ng diretso. Then there they was. Ella and Kuya Troye

Ito ba yung gusto niyang ipakita sakin?

"Who is this lucky girl?" tanong ni Ella sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nanatili lang ako at pinakinggan silang dalawa.

Ang hapdi hapdi sa puso. Seeing how his smile is really different when they are together.

Sino nga naman ako para sa kanya? I was just his little sister. Nothing more, nothing less.

I am supposed to be running away pero bakit pa ako nananatili dito?

"Should I really say it?" No Troye. Please don't say it. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang masaktan ng tuluyan

This is really my fault from the start. Sana hindi na lang ako umasa. Sana hindi na lang ako nag-build ng hope. Edi hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

"Yes! Who's she?"

"Lucy"

THIRD PERSON'S

"Lucy" maglalakad na sana palayo si Lucy when she heard him say her name. She thought na nakita na siya ng binata but then pagharap niya muli sa gawi nila Troye ay nakangiti pa ito.

"W-what.." tanong niya sa sarili. She was really shocked.

"Lucy? Lucy Lee?" He nodded.

"You like Lucy Lee?" For the second time, he nodded again. Ella smiled at him.

"You are so lucky. Sobrang bait niyan ni Lucy. Kahit na tinitignan ko lang siya palagi na kausap kayo, I knew that there was something special about her. Hindi ka nagkamali ng nagustuhan, Troye" nakangiting bati nito kay Troye and patted his shoulder.

"H-he likes me?" Nauutal na tanong ni Lucy sa sarili. Until that time, hindi makapag-sink in sa kanya ang sinabi ng binata.

"Oh. Looks like she just heard you. Maiwan ko na kayong dalawa. Goodluck, Troye!" wika nito at saka nagpaalam kay Troye.

Nginitian siya ni Ella hanggang sa makalabas ito ng pinto.

"L-lucy. K-kanina ka pa ba d-dyan?" Nanatili lang na tulala si Lucy.

"I-i'm sorry" rinig niyang sabi ni Troye. Napaangat ang tingin niya sa binata. He was walking towards her.

"L-lucy, I-i'm so sorry" even until now she can't even speak. Pag naman magsasalita siya, what should she say?

"Sorry" rinig niyang sabi muli ni Troye atsaka nagmamadaling lumabas ng rooftop.

TO BE CONTINUED..

❛Kuya❜ ┇K.TH x L.CY✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon