✿forty

349 27 7
                                    

LUCY

"Lucy, una kami ah. Kita tayo bukas" paalam nila Ate Sunshine sakin.

"Happy Birthday ulit Lucy!" Nakangiting bati sa akin ni Seungmin. Kanina ang haba ng usapan namin and he's not bad tho. Masaya din siyang kausap. Pero hindi ko alam kung bakit para may kulang.

"Happy Birthday Lucy" pabulong na bati sakin nila Brix at Elijah. Ngumiti lang din ako at kumaway sa kanila.

Dapat masaya ako ngayon kase dumating silang lahat ngayong birthday ko pero bakit nakukulangan ako. Hindi ko alam kung ano. I just realized it.

Napabuntong hininga na lamang ako at ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Kinuha ko ang phone ko mula sa table at binuksan ito.

Si Ate talaga! Etong picture pa talaga yung pinost eh. Ang jejemon ko dyan eh. Nagbasa na lamang ako ng comments. Nakakamiss din 'tong mga unnies ko. Busy sila sa college life kaya naman bihira lang kami mag-kausap.

Puro mga kaibigan din ate yung bumabati. Nameet ko na naman silang lahat so medyo familiar na ako sa kanya. Ang gaganda nila tapos ang babait pa. Biruin mo yun

Tumigil ako sa pagfo-phone ng marinig kong may nag-doorbell. Teka, anong oras na ah? Sino pang pupunta ng ganitong oras?

Hindi ko na sana pagbubuksan pero nakonsensya naman ako dahil malamig ngayon sa labas. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Pasalamat siya mabait ako.

THIRD PERSON'S

Mabilis na lumabas si Lucy para makita kung sino ang gabing gabi nang pupunta pa sa bahay nila.

"Hi!" nakangiting bati sa kanya ng tao sa harap niya. Bahagya siyang natulala. Tila ba'y may kung anong kakaiba sa ngiti nito. She was stucked unto his smile.

"Nabulabog ba kita?" natauhan na ito nang sa wakas ay magsalita na ito.

"A-ahh, hindi! Hindi ka pa umuwi?" tanong nito.

"Nope!" napatawa na lang ang dalaga dahil sa ka-hyper-an nito.

"Bakit ka nga pala andito?"

"Uhm, pwede ka ba?" kumunot ang noo nito bago tanungin muli ang binata.

"Saan?" Tanong nito. He stretched his hands at parang sinasabing kunin niya ito.

"Sandali lang ha" tumango lamang si Troye. Dali-dali niya namang inabot ang kamay nito.

"Wear this"

"Ha? Bakit? Kailangan ba talaga?" ngumiti lang si Troye kaya wala ng iba pang magawa si Lucy kundi sundin ang binata. She wore the blind fold habang inaalalayan siya ni Troye na makasakay sa bike na dala niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Lucy baka sakaling sagutin siya nito ngunit wala siyang nakuhang kahit anong sagot mula dito.

"Kumapit kang mabuti" he secretly smiled when he felt her arms tightened.

Hindi naman kalayuan sa bahay nila ang pagdadalhan ni Troye sa dalaga. Nasa dulo lang ito ng village nila. Madalas siyang tumambay doon lalo kapag weekends at gusto niyang magpalamig.

❛Kuya❜ ┇K.TH x L.CY✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon