✿thirty-seven

354 27 15
                                    

THIRD PERSON'S

"HAPPY BIRTHDAY LUCY! HAPPY BIRTHDAY LUCY! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY LUCY!!!" kaagad na kumaripas ng takto si Lucy nang marinig niya ang malakas na pagkanta nila Sunshine sa labas ng bahay niyo.

"Huy! Ang iingay niyo. Pag kayo pinagalitan ng kapitbahay" napatakip ng bibig ang apat kaya naman tinawanan lamang sila ni Lucy.

"Pasok na kayo" sabi nito bago pinapasok ang apat sa loob at pinaupo sa sala.

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Jullien. Ngumiti lang ng mapait si Lucy bago tumango.

"Don't worry, Lu. Andito naman kami. Saka sure akong may surprise din sayo sila Tita pagbalik nila"

"Wag muna tayo malungkot guys! Birthday ni Lucy eh" pampalubag-loob na sabi ni Sunshine.

"Nga pala, kunin ko lang yung pagkain" sabi nito.

"Sama ako, Lucy!" Masayang wika ni Shantal bago sundan ang nakatatanda sa kusina.

"Asan pala sila Yohanne?" Tanong nito kay Shantal.

"Kuya Yohanne. Baka si Troye HAHAHAHA!" kaagad niya namang pinitik ang noo nito dahilan para tignan niya ng masama si Lucy

"Napaka-issue mo talaga. So asan nga sila?"

"Sabi ni Jullien, susunod daw sila eh" tumango lang si Lucy bago dalhin ang cake na binake niya sa hinanda niyang table sa labas.

"LUCY, PENGENG SHANGHAI!" Halos lahat sila ay nagtawanan sa pag-sigaw ni Brix mula sa labas ng bahay nito.

"Speaking of.." natatawang wika nito kay Lucy bago ilapag ang dala nitong Caldereta. Bago kase umalis ang magulang nito ay sinigurado nilang mahahainan muna nila ng pagkain ang anak bago umalis. 

"Happy Birthday Lulu!" Kunwaring naiiyak na bati ni Yohanne at niyakap ang dalaga.

"Hoy bitaw! May nagagalit" natawa na lang si Yohanne bago magsalita

"Kalma. Binabati ko lang naman" natatawang sabi ni Yohanne

"Happy Birthday Lucy!" Sabay na sabi ni Elijah at Brix. Sandali pa silang nagkatinginan bago irapan ang isa't isa.

"Attitude kayo mga sis?" natatawang tanong ni Jullien sa dalawa.

"Happy Birthday Lucy!" masayang sabi nito sabay abot ng paperbag na dala nito.

"Omg. May gift ka para sakin? Galante mo naman" biro ni Lucy saka inabot ito at tignan ang laman.

"Teka, mamahaling pabango 'to ah. Seryoso ka ba?!" natawa ng bahagya si Kairo sa itsura nito atsaka tumango. He wanted to gave her a present dahil itinuring niya na rin itong kaibigan at kapatid. He wanted to make her feel special.

"Thank you, Kai!" Sabi nito saka niyakap ang nakababata. Napatingin ito sa direksyon ni Shantal at nakitang umiwas ito ng tingin. Napangisi lamang ito at nagdesisyong bumitaw na sa yakap nila.

"Oh siya, kumain na kayo. Kanta lang kayo dyan hahaha"

"Teka! May isa pang ustong bumati sayo" halos lahat sila ay lumingon sa direksyon ng isang tao.

"Bakit ganyan kayo makatingin sakin?" Nanggagalaiting tanong ni Troye.

"Batiin mo na. Dami pang sinasabi" singhal ni Brix sa nakababata bago ito itulak papalapit kay Lucy

Napakamot na lamang sa batok niya ang binata dahil na din sa hiya. Prinactice niya na kanina ang sasabihin ngunit tila ba'y nauutal ito lalo na ngayong nasa harapan na siya nito.

"Happy Birthday Lucy. Sabi ko naman hindi ka mag-iisa ngayong birthday mo diba?" Sabi nito at saka ngumiti kay Lucy.

"Yieeeeeeeeee!" Pang-asar nila sa dalawa at binato pa ng unan si Troye

Naputol ang malalakas na sigaw at tawa nila ng may mag-doorbell na naman.

"Sino yan?" Tanong ni Julia habang tinitignan si Sunshine na buksan ang pinto mula sa bintana.

"Kuyaaaa!" Sigaw ni Sunshine.

"Asan si Lucy?" Tanong nito kay Sunshine. Pinapasok ng dalaga ang grupo ni Rian.

"HAPPY BIRTHDAY BABY LULU!" malakas na sigaw ni Rian nang makapasok ito sa sala nila. Nagsitawanan sila Julia sa ginawa ni Rian.

"Si Kuya talaga. Salamat!" Natatawang sabi ni Lucy sa kanila.

Expected niya ng darating ang siyam dahil pinasabi ni Lucy na pumunta sila ngayon. Buti na lamang at saktong hindi busy ang mga ito kaya naman they're able to celebrate with Lucy.

"Happy Birthday Lucy!" Sabay sabay na bati nila kay Lucy.

"Happy Birthday Lu!" bati ni Seungmin at inabot din sa dalaga ang dala nitong box.

"Wow! Thank you, Seungmin! Nag-abala ka pa" 

"Yieeee!" pang-asar naman ng grupo ni Rian kay Seungmin.

"Syempre! Birthday mo so dapat may regalo ka. You deserve it"

Sinilip nito ang kahon at halos lumuwa ang mata niya when she saw a bunch of Chocolates

"Waaaaah! Thank you, Seungmin!" Sabi nito at agad na niyakap ang binata.

"Welcome!" Nakangiting sabi nito.

"By the way, kain na kayo oh!"

"Troye, payag ka nun nalamangan ka" bulong na pang-asar ni Elijah. Nagsitawanan ang apat sa sinabi ni Elijah kaya tinignan lamang siya ng masama ni Troye.

Ayun ang akala nila, pero hindi nila alam na may regalo rin ito para kay Lucy mamaya.


TO BE CONTINUED..

❛Kuya❜ ┇K.TH x L.CY✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon