April 13, 19**

634 45 4
                                    

***

Gideon,

Sinusulat mo pa lang iyon, alam mo na ang sagot. Nahuli na kita. Sa ayaw at sa gusto mo isa ka ng variable sa aking teorya.

Hindi ko alam na may pagkamalalim ka rin pala. Akala ko ay kalokohan at kalandian lang ang alam mo. Patuloy mo akong ginugulat.

Upang sagutin ang iyong mga tanong, nandito ang aking opinyon.

Ayon sa aming propesor sa Pilosopiya, maraming bersyon ang isang tao ngunit ang tunay nating bersyon ay noong ipinapanganak pa lamang tayo. Tabularasa, kumbaga.

Tama ka nang sinabi mo na tayo ay koleksyon lamang ng mga repleksyon mula sa personang nakapaligid sa atin. Iba tayo sa bawat mata ng mga tao at iba tayo kapag nag-iisa.

Ang tanong na kung sino ang tunay ay nananatiling misteryo. Hindi nga siguro natin makikilala nang tunay ang isa't isa ngunit masaya akong masilayan ang repleksyong ito mula sa'yo.

Amanda

P.S. Kapag may nakabasa nito, siguradong pagtatawanan tayo.

P.P.S. Kung hahanapin mo 'ko, the theory will fail, void, null.

***

along calla lily street | epistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon