***
Diary,
Ang tagal kong di nakapagsulat sa'yo. Ang dami kasing nangyari. Namatay si Lola Imelda at ilang araw kami sa bahay nila auntie Minda. Hindi ako umiyak dahil kay lola. Hindi naman kasi kami madalas magkausap. Pero naiyak ako kapag umiiyak si mama.
Dumating ang graduation. Hinanap ko siya pero wala. Pumunta ako doon sa sinabi niyang lugar noon pero wala pa rin. Sarado na ang library n'ong kumuha ako ng transcript. Akala ko makikita ko ulit siya sa CB park pero wala ulit.
Paalam na lang siguro, Gideon, kung sino ka man talaga. Salamat sa panandaliang tuwa at kilig kahit sa kinahig mong sulat-kamay.
Amanda
***

BINABASA MO ANG
along calla lily street | epistolary
Romance[COMPLETED] After a series of mistaken identity, Gideon hasn't found out that he's been sending letters to the wrong woman. Amanda has been receiving his rather cheesy professions. When she was about to reply that he got the wrong person, Amanda fou...