***
Amanda,
Amanda, na-in love ka na ba? 'Yong hindi lang basta dahil nagandahan ka o dahil interesado ka? 'Yong tipong pag-ibig na kayang isugal ang kahit na ano? 'Yong tipong hihintayin at hahabulin kahit na sa dulo ng mundo? 'Yong tipong ikakasira mo pero ayos lang kasi para naman sa taong iyon?
Ako kasi hindi pa. Nakita ko na kasi ang gano'ng klaseng pag-ibig mula kay mama, sa tito ko at kay tita. Nakakatakot. Ikaw ba, handa kang maramdaman 'yon?
Dalawang klase raw kasi 'yan. Una, ang pag-ibig na sapat. Walang thrill. Walang angst. Maaaring higit na nagmamahal ang isa. Pangalawa, ang pag-ibig na ikakadurog mo. Mahal na mahal ang isa't isa ngunit maraming balakid. One stable love or one great love?
Sumasaiyo,
Gideon
***
BINABASA MO ANG
along calla lily street | epistolary
Romance[COMPLETED] After a series of mistaken identity, Gideon hasn't found out that he's been sending letters to the wrong woman. Amanda has been receiving his rather cheesy professions. When she was about to reply that he got the wrong person, Amanda fou...