***
Gideon,
Hindi pa ako nakakaranas ng ganyan. Pero gusto kong ma-in love nang sobra-sobra. 'Yong madudurog ako at masisira ako. 'Yong higit at maraming balakid. Tapos isusulat ko. Tapos ibebenta sa publishing company. Baka ako na ang susunod na Jane Austen. Naging mayaman pa ako.
Nakakatawa ka naman, Gideon. Masyado mong siniseryoso. Hindi ka pa napurga ng mama mo 'no? Ako dapat ang hopeless romantic dito. Hindi ka pa ba nakakalimot kay Amanda #2? Naku! Huwag mong masamain pero sakit na yata 'yan.
Nakita mo na ba 'yong bagong labas na pelikula? 'Yong nigtmare on ewan ko nakalimutan ko. Basta part 3 na pala 'yon pero ang ganda. Panuorin mo, kamukha mo 'yong killer.
Amanda
P.S. Tinamad na akong isulat ulit. Sorry natalsikan ng mangga.
***
BINABASA MO ANG
along calla lily street | epistolary
Romansa[COMPLETED] After a series of mistaken identity, Gideon hasn't found out that he's been sending letters to the wrong woman. Amanda has been receiving his rather cheesy professions. When she was about to reply that he got the wrong person, Amanda fou...