01 When I Met You, Part 1

705 27 21
                                    

Part I

Sa katahimikan ng silid, hindi alam ng binata at dalaga ang gagawin. Ang dalawa ay magkatabing nakaupo sa kama. Mukhang mali ang naging desisyon niya kanina na iisang kwarto lang ang rentahan upang makatipid. Magsasalita na sana si Amanda nang magtama ang kanilang mga kamay at tila may kuryenteng dumalay sa kanyang katawan.

Kumakabog ang kanyang dibdib. Papalapit nang papalapit ang mukha ng binata. Ramdam niya na ang mabangong hininga nito. Amoy mouth wash? Kailan pa ito nagkaroon ng oras para magmumog? Bigla tuloy siyang nahiya. Kumain pa naman siya ng mangga na may bagoong kanina. Baka maamoy nito. Ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga labi nang itulak niya ang binata.

"Teka lang!" pigil niya rito.

"B-bakit?" nauutal nitong tanong tila nalilito sa asal niya.

"Baka matulad ako kay Amanda number 2! Hindi pa ako handa, Gideon."

Tumayo siya saka pa-ika-ikang naglakad sa harap ng binata. Hawak niya ang dibdib. Muntik na iyon, sa isip niya. Talagang bang isusuko niya ang bataan sa lalaking kakakilala niya lang nang ilang araw? Oo nga at ilang buwan na rin naman silang nagsusulatan ng liham ngunit sapat na ba ang iyon para sabihing kilala na nila ang isa't isa?

Tinitigan siya nito, sinusuri ang kanyang mukha.

"Naiintindihan ko. Hindi naman kita pipilitin." Napatujngo ito matapos mapakamot sa batok.

Nakakapagtataka na kalmado lang ito. Hindi ba ito galit sa pag-iinarte niya?

"Saan ka pupunta?" taranta niyang tanong nang bigla itong maglakad.

"Babalik din ako," ika nito.

Naupo siya sa kama. Ilang araw na ang lumipas nang mapagpasiyahan nilang pormal na magkita. Pinili ng lalaki na pumunta sa kabilang bayan kung saan may pyestang dinaraos. Masaya silang namamasyal kanina kahit pa may hindi maipagkailang pagka-ilang sa pagitan nilang dawala. Ngunit sa kasagsagan ng pyesta kanina, hindi nila lubos akalain na uulan nang malakas. Mali, bagyo na yata iyon. Sumilong sila ngunit hindi tumigil ang ulan, sa kasamaang palad. Kaya naman pumunta sila sa isang motel. Marami pa namang kwarto ngunit pinilit niya si Gideon na iisang kwarto na lamang ang rentahan tutal matutulog lang naman sila.

Bumukas ang pinto at pumasok si Gideon na may dalang bimpo at batya. Lumuhod ito sa kanyang harapan at hinanda ang batyang may labang tubig.

"Akin na ang paa mo," anito.

Dahan-dahan nitong kinuha ang kanyang kaliwang paa na nadulas kanina sa maputik na daan. Tinanggal nito ang kanyang suot na sapatos. Napadaing siya habang hinihilot nito ang kanyang paa. Hindi siya makatingin nang direcho sa binata. Gusto niyang humingi ng tawad kahit wala naman silang ginagawang kasalanan. Binabad nito ang bimpo sa maligamgam na tubig saka itinapal sa kanyang paa. Bakit ang bait naman nito ngayon?

"Gusto ko lang ipaalala na hindi pa rin ako pumapayag," mariin niyang sabi.

Mahina itong tumawa. "Ang kulit mo rin talaga 'no?"

Parang musika sa tainga niya ang baritono nitong boses. Kumukunot pa nang kaunti ang ilong nito tawing tumatawa. Gusto niya pa tuloy marinig. Nahihibang na yata siya. Ang marupok niyang prinsipyo ay delikado.

"Pasensya na," usal niya nang matapos ang ginagawa nito.

Itinaas niya ang mga paa sa kama. Hindi na ito gaanong sumasakit.

"Ayos lang. Manuod na lang tayo?" Pumunta ito sa harapan ng maliit na TV. Sa ibaba ay may VHS na naka-konekta. Dinig niya pa rin ang malakas na ulan sa labas. Mukhang wala itong planong tumigil. Dumako siya kay Gideon na isasalang na sana ang video tape.

along calla lily street | epistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon