The other day I was surprised sa pagdating nina Kiefer and Thirdy sa bahay. I didn't remember I invited them. Hmm. What brings them here kaya? I was just wondering kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila. Ngayon pa na mukhang naka drugs na Zombie ang muhka ko? Haaay.
"Kief, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kay Kiefer
"Uhm, we just want you to...."
"To? Ano deretsohin niyo nga ako." they know naman na I'm patient pinapabitin pa. Psh, ano bang problema ng mga tao ngayon?
"Gusto lang naming malaman if you're okay, alam mo naman... Si Von na and si Gracey, kaya we're just checking you out. Ayaw naman namin na sad ka Anika" deretsahan sabi ni Thirdy sakin. I just gave him a weak smile, HELLO, sinong magiging okay sa lagay na yon?
"Don't worry guys I'm fine. I'll be okay. Yan lang ba ang tanong niyo sakin at humayo pa kayo dito just to know if I'm fine or not?"
"Wag kayong maniwala kay Anika. Actually Kiefer and Thirdy hindi siya okay, And I don't know na may talent na pala ngayon si Anika sa acting" biglang sabad ni Ate sa usapan. Hayst. Ewan ko ba, Sabad ng sabad. Pshh. Palibhasa may boyfriend e. Nakakaloka. Sana naman wag na niyang ibroadcast. Secret yun ehhhhhh.
"We knew it Ate Agnes, Anika is pretending to be fine, halata naman sa mga mata niya na umiyak siya, sinong niloko mo ha Anika? Ang lola mong panot? Wag ka na nga!" Sabi naman ni Kiefer, Hay alam ko naman na kahit magsinungaling ako na okay ako hindi sila maniniwala. They just knew me so well.
"Uhm, pwde ba guys, ley's just go to school, we're running late na e" I just said. Ayoko yung pinaguusapan ako. Pfft,
********************************************
Kiefer and Thirdy gave me a free ride, Hahaha, Libre pasahe! Woot
"Guys, thank you for the ride, See you around okay?" I said then i bid them goodbye. Kailangan ko pa kasing habulin ang first class ko. And obviously medyo late na ako!! Haays. Pagpasok ko agad kong hinanap si Angel. Good thing nakita ko siya agad,
"Hey!" bati ko sa kanya
"Hoooy girl, Anyare diyan sa mata mo? Pugtong pugto a?" takang tanong ni Angel, nako naman. Sa lahat ng tao. Palaging mata ko ang napapansin?!
"Ahh, Nakagat to ng ipis kagabi, kaya namaga.. hehe"
"Kinagat ng ipis pero dalawang mata talaga? Ako nga'y deretsahin mo! Umiyak ka ano? Ahhh oo umiyak ka nga. Kahit kelan talaga iyakin ka. Teka nga ba't ka nga ba umiyak?"
"Si Von na kasi at Gracey. Hello? Alangan namang magpafiesta ako kasi nalaman kong sila na? Obviously magluluksa talaga ako. Masakit kaya! Pero pwde ba, wag na natin to pag usapan. Naiiyak ako e." sabi ko. And after that dumating na nga ang prof at nag lecture na ng kung ano ano. Ni wala malang may tumatatak sa isip ko. Best definition ako ng lutang na yan. Haaays.
"Girl, rinig mo ba ang balita na si Nathan Esguerra e lumipat dito?" Baling sakin ni Angel, Hmm.
"Seryoso? Lumipat dito? Hindi ko alam yun. Bakit mo sakin sinasabi yang mga ganyan ha? Hindi naman ako related sa Nathan na yan e!"
"Duhhhh, Ang pagkaalala ko e, Crush na crush mo siya nung Highschool tayo? Diba nga type niya si Gracey? Aynako, lahat nalang ata ng mga gusto mo e, Type rin si Gracey, Hala girl."
"Pwde ba? Mag move on na tayo? Ibinaon ko na sa limot si Nathan nu, kaya pwde ba."
"Alam mo kaya siguro lumipat si Nathan e baka sinusundan niya si Gracey? Ano sa palagay mo? Hindi niya pa siguro alam na may Boyfriend na tong si Gracey, at hindi lang basta boyfriend. Pogi na Hotness pa at rich, di lang yun, part pa ng ADMU BASKETBALL TEAM!~"
"Alam mo Angel kung wala kang matinong sasabihin na hindi related sa topic pwde bang tumahimik ka na lang? Pwde ba?!" Angil ko sa kanya ang ingay e, Pamukha ba naman sakin na si Von na at Gracey, Pshhh.
________________________________________________
Tahimik kong binabaybay ang hallway ng biglang sumulpot ang isang lalaking pamilyar sakin at inakbayan ako. Kahit hindi ako tumingin, Alam ng isip at puso ko na si Von iyon. Hay. ano ba naman kasi. ><
"Where are you going?" biglan tanong niya
"Away from YOU! HAHA, Joke, Wala lang, Pupunta ako sa InfiniTEA bakit? Ikaw saan punta mo?"Sagot ko naman
"Aw, akala ko tototohanin mo na ang paglayo sakin. Just going to fetch Gracey, Manunood kasi siya ng practice. Ikaw if you wanna come, Punta ka na lang okay?"
Takte. Buti pa si Gracey sinusundo mo kung gusto mo siyang manauod ng practice mo. Pero dati ako hindi, Huhuhu, Nakakasama naman ng loob. Yan ang mga salitang gusto kong sabihin, pero hindi ko magawa,
"Aw, Do good in your practice ha?" I said
"So you won't watch our practice? Dati rati you're always there to watch pero ngayon you're getting busier, Hindi ka pa naman graduating a?" sabi niya in his nakakatampo voice kuno.
"Hmp, nagtampo pa, Don't worry, Gracey is there naman, For sure she'll be your number one cheerleader"
"Basta sa games ha please wag kang umabsent ha? Magtatampo na talaga ako saýo, Uhm. btw, what happened to your eyes, It's swollen oh" Biglang sabi niya.
"Uhh, nakagat lang to ng ipis Von. Don't worry! Uhm, Sige Von, I must go, Bye!"
Takte. Nahalata niya. I thought pa naman na hindi niya mahahalata! Oh No!! Bahala na si batman. If he only knew na siya ang reason kung bakit pugto itong mga mata ko!