Chapter 18

38 0 0
                                    

Anika's POV

Gracey called me early this morning to inform me that okay na sila ni Von, sabi niya pa kailangan niya akong makita. I left my house early than usual in order for me to meet Gracey. May nakakakilig daw siyang sasabihin sa akin na first time niyang naramdaman sa nineteen years niyang nabubuhay sa mundong ibabaw.

Ngayon ko lang na realize na puro na ka kornihan si Gracey. Its been 4 months na rin naman. Its been four months na pinilipit kong paniwalain ang sarili ko na okay ako, na masaya ako para sa kanila ni Von. Kahit naman deep inside me hinihiling ko na sana ako na lang si Gracey. Ambisyosa lang no? Paano nga naman pala ako magugustuhan ni Von. Simpleng babae lang naman ako. Walang panama kay Gracey. Iwinaksi ko na lang sa isipan ko ang mga sana ko. Di rin naman kasi magkakatotoo. Pinili ko na lang na bilisan ang lakad, dahil nandun na si Gracey.

********

Pagbukas ko ng cafe agad niya akong kinawayan. Nginitian ko naman agad sya.

"Kamusta?" Nakangiti kong tanong sa kanya

"Eto, parang nasa cloud nine pa rin." She said grinning, which is very unusual for me, dahil ang Gracey na kilala ko e hindi naman ganito.

"Why? Tell me." Nagagalak na sabi ko sa kanya.

She smiled. 'Yung tipong ang mga mata niya kumikislap habang nagkukuwento.

"You know what, kahit di si Von ang first kiss ko, it felt like parang siya. 'Yung tipong nakakaadik. The feeling was intoxicating. Like omg, the way he held my hand. The way he kissed me, the way he looked at me. Hindi ko maintindihan pero bakit iniisip ko na handa kong ibigay ang lahat ng meron ako sa kanya. I am willing to give myself to him. 'Yung ganun. Ang korni ko right? Like parang hindi ako ito, though I more likely enjoy being like this." She said.

Bawat salita niya, parang kutsilyo na sumasaksak sa dibdib ko. Base nga sa kwento ni Gracey, masayang masaya sya sa kung ano ang nangyayari sa kanila.

I fake a smile, "It's better na ganyan ka. Maganda ang ganyang feeling, kasi you get the chance na gawin ang mga 'yan kasi official na kayo. Masaya diba? Nakakakilig, butterflies around the two of you. Insert confettis na rin. Hahaha. Diba? Ang saya. Ang swerte niyo sa isa't-isa Gracey." Sana lahat ng mga binitawan kong salita galing sa puso ko. Sana di ako nagsisinungaling sa sarili ko. I hope I am happy.

"Awww. You know what, di talaga ako nagsisi na naging kami. Nagpapasalamat ako para sa'yo. You've been a good friend of mine. I am grateful having you as my best friend. I hope ganito palagi, 'yung palagi tayong masayang lahat."

"Wala 'yun. Malakas kayo sa akin e. And oo naman, masaya rin ako na ganito tayo. Happy lang always."

Napakasinunaling mo Anika. Such a great pretender. Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo?! Ugh.

Ngumiti si Gracey at ipinagpatuloy namin ang usupan sa iba't-ibang stuff, nag biglang dumating si Von.

Kasabay nang pagdating niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bumilis di dahil kinikilig ako, kung hindi dahil di ko kinaya ang nakita ko. Sa pag dating ni Von at paghalik sa labi ni Gracey sa harap ko ay sabay nang pagwasak ng puso ko.

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumabas sa bibig ko.

"Tama bang maghalikan sa harap ko?" Iritado kong sabi.

"Oops, sorry Nika. Bakit ba ang init ng ulo mo? May dalaw ka ba?" Nakangising sabi ni Von. Si Gracey naman biglang napatawa.

I raised my eyebrow. "PDA ka masyado."

"Wala namang masama sa ginawa ni Von, Anika. Besides, normal lang to. Ginagawa to ng mag boyfriend at girlfriend." Sabad ni Gracey.

Pinamumukha niyo talaga sa akin na masaya kayo. Tapos ako nagkukunwari. Nakakasakit na makita ko kayo na naghahalikan at sa harap ko pa. Langya!

"Anika, tama si Gracey. Yung iba nga mas malala pa sa ginagawa namin." Von said.

"La akong paki. I have to go. See you around na lang guys." Sabi ko at iniwan sila.

Rinig ko pang nagtanong si Von, "Anong problema nun?"

Kayo lang naman ang problema ko, labis na kasi akong nasasaktan at gusto ko nang matapos ang sakit na nararamdaman ko.

Pero paano ko nga ba maalis ang sakit, kung si Von lang ang makakagamot ng puso kong sawi na walang ibang ginawa kundi isigaw ang pangalan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MVP (My Von Pessumal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon