Diescinueve

58 8 0
                                    

Mystique 19

Narating namin ang Town. Mas maganda na ito ngayon dahil marami na ang mga estudyante na namamasyal.

I think this will serve as their price from yesterday's stress. They need to unwind.

Nagpasalamat muna kay Hunter bago lumabas. Si Hunter pa lang talaga ang kilala ko. Wala pa akong nakita na ibang transportasyon.

Parang bata namang pumalakpak si Amara. Bakas talaga sa kaniyang mukha ang saya. Malakas ang kaniyang boses kaya naman may napatingin sa amin. Napasapo naman sa noo si Scilla at hinila na kami sa loob dahil sa naramdaman na hiya.

Madami rin kasi ang napatingin sa amin na tila ba kami ay nakakaiba. May tingin rin silang binibitawan na nakakainsulto. Winagli ko na sa aking isipan ang mga iyon at hindi na lang sila binigyan ng pansin.

Wala naman akong mapapala. Hinayaan ko na lang.

"So......? Ano ang una nating gagawin?" Excited na pahayag nito.

"Maglibot muna tayo at hanapin kung saan ang parke na sinasabi mo. Naalala mo ba?" Scilla said as she let her eyes wander.

Napakamot naman ito sa ulo. " Hindi, eh." Sagot nito.

Napailing naman ako. First, we talk about the rides we will take and it should be budget wise. Kailangan naming maging wais sa paggastos. Mabuti na lang for the past weeks ay provided ang aming mga pangangailangan kaya hindi kami masyadong gumagastos dahil sa dorm rin naman kami kumakain.

Ginamit lang namin ang pera nung bumili kami bago ang pasukan. Hindi nga dapat pasukan ang tawag dun, opening. Mas maganda yun. Puro pageensayo lang ang inatupag.

May alam na rin kami sa paggamit ng pera. Dahil nasa loob naman ng paaralan ang town ay di na namin kailangan magwithdraw o cash out. Gamit lang namin ang aming purselas.

Nang mapagdesisyon na kung ano ang aming gagawin ay agad na kaming nagsimula at hindi na nagsayang ng oras. Ngayong umaga lang kami magsasaya dahil mamayang hapon ay lilipat na kami sa kaniya kaniya naming mga dorm.

Nandito kami ngayon nakapila para sa isang laro. Darts and moving dartboard. Maganda rin na hindi magulo ang pila. Walang sumisingit, organisado. May isang tauhan na gumagabay sa amin.

Pinanood namin ang mga kalahok na naglalaro. Nakapwesto siya na 25 metro na layo mula sa dartboard.

Sa kaniyang postura ay tiyak na malalaman mo na may alam ito sa laro, dahil na rin sa paraan ng paghawak nito sa dart.

Tinapon na niya ang kaniyang hawak na dart. Ngunit hindi ito tumama dahil na rin sa gumagalaw ito. Ngunit, sigurado na kung hindi lang sana ito gumagalaw ay tatamaan talaga ito sa gitna.

Dismayadong umalis ito. Madami rin ang mga sumubok. May iba na nakalaro ang pangalawang bahagi, na nakapwesto 50 metro na layo mula sa dartboard.

Ngunit walang nagwagi upang subukin ang pangatlong bahagi dahil sa pangalawang bahagi ay mas bumilis ang paggalaw ng dartboard. Kung saan-saan ito pumupwesto. Paminsan ay tumitigil ito ng ilang segundo at gagalaw.

Nagbayad muna kami sa isang tauhan bago maglaro. Nung kami na ay pinauna ko ang dalawa. Sa unang bahagi pa lang ay mintis na.

"Grabe naman yun! Napakahirap, siniguradong walang mananalo." Ani naman ni Amara at patuloy ang reklamo.

MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon