O'clock 16

11 1 0
                                    

Chapter 16

"Echo, Myself's Alter Ego and The Basketball Game"


"Naririnig mo ang mga iyan?" tanong ni Jas sa tabi ko. Paparating kami sa University at parami ng parami ang mga estudyanteng nakakasalubong namin, gayun din ang mga bulong-bulungan habang nakatingin sila sa amin.

Oo, hindi ako bingi.

"'Wag mo ng pansinin. Nagsisimula na akong mabad-trip." I indifferently said instead of what I really want to say. Hindi pa ba siya sanay na ganto na ang palagi naming dinadatnan simula noong kumalat ang pangyayari sa Carpe Diem Cafe kung saan parang naiulat na rin na may relasyon kami ni Kevin.

"Famous ka na teh!" kinikilig niya pa akong niyugyog sa balikat. "Kung sa bagay, isa lang ito sa mga dulot ng pagiging Girlfriend ni Keith."

"Oo, Jas. At walang maganda sa pagiging famous." I sighed. Yung tingin ng mga tao parang nandidiri, may iba naman na parang okay lang naman, pero ang malala ay iyong mga mukhang papatay na.

Kinalbit ako ni Jas nang hindi ko na siya pinansin. "Anyway, just remember na may papanoorin tayong game mamaya. Sabi ni Tiano may laro daw sila ng Basketball mga 2:30 pm kaya magkita nalang tayo sa may gym kasi sa wakas maglalaro din si Sanci. Eh alam naman nating natrauma iyon sa mga bullies last year."

"Si Sanci maglalaro? Weh?" gulat kong natanong. Minsan lang na-trauma iyang si Sanci... pero sobra-sobra ang nangyari. Akala pa namin noon na hindi na siya makakapaglakad, subalit buti nalang at pinagpala siya ng Diyos. 😔.

"Oo kaya pumunta ka hah. Kahit na si Keith naman ang gusto mong makita, sige papayag muna akong si Sanci ang magiging excuse mo para hindi ka mahiya." nag-thumbs up pa siya pagatapos ay bigla nalang kumaripas ng takbo.

What the?! Si Kevin? Sus! Bakit naman? Pero ows, naglalaro pala siya ng Basketball? Hindi sa may paki-alam ako.

Natapos ko ang dalawang subject nang sumapit ang lunch break. Ayoko sanang pumunta sa Carpe Diem Café total wala naman sina Jas at Sanci doon panigurado at baka andoon na naman ang mga bruhang nagsisimula ng gulo. But I want to try the new menu at kumustahin na rin si Hannah.

Agad akong binati ng marikit na ngiti ni Hannah pagkarating ko sa Café. Nakilala namin ni Jas at Sanci si Hannah noon sa dati naming pinagtratrabahuan at sabay naming hinarap ang mga pagsubok dito. Marami na kaming pinagsamahan at isa siyang matalik na kaibigan.

"Buti naman nakabisita ka na dito. Saan yung dalawa?" sabi ng malumanay niyang boses. Kailan ko kaya makikitang magalit itong si Hannah. Isa na sana siya ngayon sa amin kaso napakarami niyang inaasikaso, mas lalo na't wala silang magulang na magkakapatid. Though she doesn't stay in a group of peers, kaibigan nga naman siya ng lahat.

"Wala eh. Si Jas sumama kay Jella. Si Sanci naman... ayun na-virus kina Juax, Bryane at Tiano." sagot ko. Umupo ako sa stool na dapat ay sa mga VIP lang, ito lang naman kasi ang pinaka-malapit sa may back door kung saan nagtatambay ang mga workers. "Pasensya na ha. Busy ka pa ba?"

"Hindi. Sakto nga yung dating mo kasi ako naman ang nasa break time ngayon." May nilapag siyang platong puno ng pagkain sa narrow table sa pagitan namin. "Sakto rin na niramihan ko ang kinuha kong pagkain. Samahan mo akong ubusin ito ha."

Kind Of Confidential Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon