O'clock 13

19 13 0
                                    

Chapter 13

"The Kinds of Empathy and The So-called Date"

"I'm driving her." he stated out of nowhere.

Ngayon ka lang magpaparamdam? Hindi nga tayo nag-mukhang mag-jowa sa harap ng pamilya mo tapos ngayon na tayo tayo lang, doon ka pa nagkukunwaring sweet instead na hindi dapat tayo nagpapansinan kasi hindi naman totoo ang relation natin? Not like I'm wanting more... but for the  millionth time, the hell with your complicated head, Kevin Keith Fuego?

Okay... Hindi ko na yun naintindihan ah. Gusto ko lang namang ikanta yan sa pagmumukha niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "No, thanks. Okay na ako kay Kate. Tara na ate."

"When did you get so stubborn?"

"Ako pa talaga ang may matigas na ulo? Ikaw kailan ka pa naging isnabero at bakit ka ba iritang iritado?"

"So you want attention? Is that it?"

"What? Fudge you! Wala akong kailangan sayo! Ang saya-saya ko nga noong wala ka eh."

Hindi na siya nakasagot nang humalakhak si Kate sa gitna namin. Nakapako parin ang masamang titig namin ni Kevin sa isa't isa. Urgh pati sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit ako nanggigigil sa kanya eh.

Kate calmed down and asked, "Nag-away ba kayo? Parang kanina pa kayo hindi nagpapansinan."

"Yeah. It's a severe lover's quarel." si Kevin ang nagsalita na ikinagulat ko ang sinabi. "And I wanted to fix it. If you want to help, don't get in the way."

Walang pigil na hinila ako sa sasakyan niya. Hindi pa ako nakapagbigay ng paalam kay Kate ay inandar agad ni Kevin ang sasakyan. I huffed and faced my back at him with crossed arms. Sa bintana lang ako nakatitig habang busy siyang nagmamaneho.

"Hey," he broke the silence.

Hindi ako gumawa ng imik.

"Hey, seriously? Bakit ka ba nagtatampo?"

Nainip ako at humarap sa kanya ng biglaan na madalian din niyang ikinagulat. "Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kasi puro tanong ang nasa isipan ko! Okay?"

Tumahimik siya ng saglit. "Your performance with Jenelai was great. I guessed you play violin too. You didn't answer me last time when I asked you what else can you play."

Pasimple akong umirap at tunog pilisopong bumulong ng, "Ngayon lang daw magko-compliment."

He abruptly turned the car to the side road and stepped on the break. Takang pinanood ko lang siyang tanggalin ang kanyang seatbelt at lumabas. I didn't wait him to go to my side just to pull me out as I get off myself.

Pagkalabas ko ay agad niyang sinunggaban ang kamay ko at mahigpit itong binalot sa maiinit niyang kamay. Mahinhin niya akong hinila at ngayon ko lang napansin na meron pala kami sa lugar kung saan pinatigil ko rin ang sasakyan niya at nag-star dazing kami. Pinahiga ako sa same spot ko noong last time at sumunod na rin siyang hindi binibitawan ang kamay ko.

"May bad mood eh. Better if we give her her ultimate cure." sinabi niyang nakatitig sa mga tala. Hayy... bakit kaya palaging maganda ang panahon sa bawat pagpunta namin dito...?

Kind Of Confidential Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon