PROLOGUE

591 22 2
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

Sabi nila ang lahat ay may hangganan.

Kaya ang karupokan ko ay dapat ko na rin sigurong tigilan.

Pero paano kung ang crush mo mismo ay nagtapat sayo na mahal ka niya?

Magpapakarupok ka ba sa kanya?

Kung ako ang tatanongin? Oo, magpapakarupok ako. Kasi naman pinapangarap ko na siya e, kaya chance ko na maging kami.

Kaya lang hindi ko masasabi kong hanggang kailan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko titiis ang sakit na makukuha ko dahil sa karupokan ko.

I'm Lianne 'Line' Sebastian proud to be marupok kay Next Lorenzo.

*Boogsh*

Napalingon lahat kami sa likuran dahil sa ingay na 'yon. Ito na naman siya galit na naman na padabog pang umupo sa upuan niya.

"Bakit ganyan kayo makatingin?!" Maangas na tanong nito.

Hindi nakapagsalita ang mga kaklase ko dahil sa takot nito at galit na galit na naman ito.

"Bumalik nga kayo sa mga ginagawa niyo!" Pabagsak na sambit nito sa amin na ikinabalik ng mga kaklase ko sa ginagawa nila.

Hays, bwisit talaga ang lalaking 'yan. Hindi kami tuloy makapagsalita dahil takot kaming mabugbog kapag kokontrahin namin siya.

"Line." Kalabit na sambit ni Joyce sa akin.

"Bakit?" Tanong ko nito.

"Tulo laway ka na naman kay Next e." Sambit nito na ikinairap.

"Hindi ha, bwisit nga ako sa kanya." Sambit ko nito at hinukaykay na ang libro ko para magreview.

"Hays, kahit hindi mo sasabihin sa akin Line, crush mo pa rin si Next. Marupok ka pa rin." Sambit nito sa akin na ikinairap ko.

Mukhang ang daming alam ang babaeng ito e, malamang bestfriend ko kasi 'to e. Bestfriend ko siya na handa akong ipapahamak sa lalaking away at pambabae na lang ang alam.

Oo na! Aaminin kong crush ko siya dati dahil hindi naman ikakaila na pogi talaga ang Next na 'yon at syaka close siya sa parents ko dahil bestfriend din siya ng kuya ko.

Hays, pero medyo nawawala na naman ngayon ang paghanga ko sa lalaking 'yon dahil sa ugali niya na mahilig sa babae at mahilig makipag-away. Sobrang nakaka-off ang ugali niya.

"Diba tama ako, hindi ka makapagsalita e." Sambit nito.

"Bwisit ka! Alam mong nagrereview ang tao tapos ang gulo mo!" Inis na sambit ko na na ikinatingin ng mga kaklase ko.

"Hala siya, ang lakas ng boses mo Ms. President." Sambit ni Joyce sa akin.

Napapeace naman ako sa mga kaklase ko. "Sorry na po classmates, sige na tuloy niyo na ang pagrereview para makasagot kayo mamaya sa quiz natin." Sambit ko sa kanila.

Nakakahiya naman kasi, sobrang lakas pala ng boses ko kanina ako pa naman ang class President dito. Hays.

"Line!" Napalaki ang boses ko sa boses na 'yon.

Dahan-dahan akong tumingin sa pwesto ng lalaking maangas kanina dahil sa pagtawag niya sa akin. Hays, nakakabwisit talaga ang mukha niya at syaka nakakainis pa dahil nakadugtong pa ang kilay nito na tiningnan ako habang nakacross-arm pa ang mga kamay nito.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon