1️⃣0️⃣ Painful

145 14 11
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

Time Check: 10:33 PM

Kanina pa ako hindi mapakali sa kwarto ko, kanina ko pa tinatawagan si Next pero naka-off phone niya. Nakausap ko na rin 'yong kasama niya sa bahay nila hindi pa daw umuwi si Next galing kanina.

Ewan ko, sobrang nag-alala na talaga ako sa kanya. Simula kanina hindi ko pa siya ulit nakikita. Hoooh!

'Demonster, nasaan ka na ba?' Kakainis ka naman e. Sobra mo akong pinag-alala ngayon.

*RINGGGGG*

Napadampot ako sa phone ko at agad sinagot ito.

"Hello, Joyce." Bungad na sambit ko nito.

["Hello Line, nakausap mo na si Next?"]

"Hindi pa nga e, naka-off ang phone niya." Sambit ko nito.

["Tinawagan mo na ba sa bahay nila?"]

"Tinawagan ko na sabi ng maid nila hindi pa daw umuwi si Next mula kanina."

["Sa hotel ba nila?"] Tanong nito.

"Wala akong hotline number sa hotel nila e." Sagot ko.

["Hays, baka nandon lang 'yon."]

Sana nga na nandoon lang siya. Pero paano kung wala? Demonster! Nasaan ka na ba? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sayo. Next Lorenzo paramdam ka naman sa akin.

["Line... Nandyan ka pa ba?]

"Po? May sinasabi ka?"

["Line... Sabi ko gusto mo bang puntahan natin siya sa hotel nila? Sasamahan ka namin ni Andi."] Sambit nito sa linya.

"Seryoso kayo?"

["Oo naman... Sige na, ibababa ko na ang tawag tatawagan ko lang si Andi, alam ko na gising pa 'yon e. Syaka 20 minutes nandyan na kami naghintay ka na lang sa labas."]

"Sige---"

*Tot* *Tot* *Tot*

Bwisit lang! Binabaan pa ako ng tawag sa babaeng 'yon. Hays. Nakakainis rin ang babaeng 'yon sarap sapakin. Hihihi.

☆☆☆

15 minutes after...

Dahan-dahan akong lumabas at bumaba ng hagdan para hindi magcause ng ingay baka nagising pa ang natutulog na sina Mama, Paap at Kuya Ice.

"Ahermmm..."

Napalaki na lang ang mata ko ng marinig ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong lumingon sa boses na 'yon.

"Line, saan ka pupunta? Gabi na ha." Sambit nito.

"Ahmm... Kuya, pupuntahan ko lang si Next." Sambit ko nito.

Napasmirk na lang siya bago nagsalita. "Ang rupok mo 'no? Di makapigil? Gabi na e, bukas mo na lang siya puntahan."

"Kuya, hindi nga siya sumasagot. Baka ano na ang mangyari don, suportahan mo na lang ako wag mong sabihin kay Mama at Papa na umalis ako." Sambit ko nito.

"Kokunswabahin mo ako? Syaka saan mo ba hahanapin si Next, e gabi na nga diba?" Sambit nito.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya bago nagsalita. "Sa hotel nila, syaka wag ka ng maingay Kuya. Babalik naman ako dito e, kasama ko si Joyce at Andi papunta na sila dito susunduin nila ako." Sambit ko nito.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon