0️⃣1️⃣ First Kiss

280 17 16
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

Hays, nakakainis talaga ang lalaking 'yon. In my whole day in class nawala ako sa sarili ko dahil sa banta niya, hindi talaga ako makafocus sa pagiging pakialamero niya. Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya.

At ito pa ang nakakabwisit, sinulatan pa niya ang notebook ko na magkikita daw kami ngayong 4PM sa may Gym. Duhh! Hindi ako interisado sa lalaking 'yon.

*KRINGGGGGGGGGG*

"Class Dismissed!" Sambit ng teacher namin bago ito umalis ng ng classroom.

Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko, kaya inayos ko na rin ang mga gamit ko.

Maya-maya pa tumayo ako at tiningnan ang nasa likuran at ganun na lang ang gulat ko nang nakatingin pala siya sa akin.

Umirap ako at umiwas ng tingin sa kanya dahil iba ang tingin niya sa akin. Mukhang may pinaplano siya e.

"Line, sisiputin mo ba si Next sa tagpuan niyo?" Biglang tanong ni Joyce sa akin.

"Ano siya sinuswerte? Bakit ko naman siya sisiputin? Baka may gagawin siya masama sa akin 'no." Sambit ko nito.

"Grabe siya, wala naman sigurong gagawin si Next sayo e. Hindi ka naman siguro niya kayang gawin 'yan sayo dahil-----"

"Dahil kapatid ako ng bestfriend niya? Joyce, remember once a cheater always a cheater. Kaya hindi malabo na may gagawin siyang masama sa akin. Kahit pa may pinagsamahan sila ni Kuya ko magagawa niya pa rin niyang saktan ako, katulad kanina pumatol siya sa akin na isang babae lamang. Bastos talaga siya, bwisit siya, walang respeto, demonyo siya, monster siya, demoster ang ugali niya," Sambit ko nito na ikinalaki ng mata ni Joyce. "Bakit?" Tanong ko nito sa kanya pero ganun pa rin ang reaksyon nito sa akin.

"Ahermmm..." Napakapit ako kay Joyce sa boses na 'yon.

Shyteee, nandito na pala siya sa likod ko. Ang bilis talaga ang kumag na ito, nakakatakot bigla-bigla na lang sumusulpot.

Kaya pala ganun na lang ang ang reaksyon ni Joyce sa mga sinasabi ko dahil nasa likod na sa akin ang mokong na 'to.

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Kalmadong tanong nito.

"H-hindi po." Nauutal kong sambit.

"Alam mo Line, masama ang magsinungaling," Sambit nito sa akin. "Pero alam ko naman ako ang pinag-uusapan niyo e."

"E, alam mo naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?" Pairap na sambit ko nito.

"Ahmm Bestie, pwede bang mauna na lang ako sayo medyo sumakit tyan ko e." Sambit ng nasa tabi ko.

"Tumahimik ka dyan, aalis naman talaga tayo dito e." Sambit ko nito na akmang aalis na.

"No Bestie, 'diba sabi mo na mag-uusap pa kayo ni Next. Diba sisiputin mo pa siya sa tagpuan niyo? Sige na, alis na ako." Sambit nito.

Teka, may sinabi ba akong sisipotin ko ang mokong na ito? Wala naman e, ang sabi ko hindi ko siya sisipotin. Mukhang ipapahamak pa ako ng bwisit na bestfriend ko.

"Joyce! Hintayin mo ak------"

"Sandali!" Napahinto ako sa sinabi ko at pagsunod kay Joyce ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Shyteee, bakit kinakabahan ako? First time kong mahawakan ang malabot niyang kamay, kung noon dream ko lang mahawakan ko pero ngayon natupad ko na ito. Shyteee hindi pwede 'to.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon