0️⃣3️⃣ First Love

191 17 18
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

Papasok ako sa school ng tumawag na naman ang Demonster ko.

*RINGGGGGGG*

Agad ko naman itong sinagot baka magbuga na naman ito ng apoy kapag hindi ko sinagot ang tawag niya.

["PresiBabe, nasaan ka ba ngayon?"] Bungad na tanong nito sa akin.

Hays, ito na naman siya.

"Nandito na ako sa school Demonster." Sagot ko.

["What?! Diba sinabi ko sayo na susunduin kita sa inyo? Bakit ba ang tigas ng ulo mo!"] Inis na sambit nito sa linya.

"Wow! Ako pa talaga ang matigas ang ulo ha, bakit? Sinabi ko ba sayo na sunduin mo ako? Hindi naman ako pumayag diba." Sagot ko nito.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita. ["O sige, saan ka ba pupunta ngayon? Papasok ka na ng classroom? Hintayin mo na lang ako PresiBabe sabay na tayong pumasok sa classroom. Pleaseee. "]

Napairap na lang ako sa sinabi niya sa linya, matitiis ko ba ang lalaking nagpleplease sa akin? E, ngayon nga lang siya nagiging mabait e, mabait lang siya sa akin.

"Okay sige, dadaan pa ako sa locker ko. Puntahan mo na lang ako don." Sambit ko nito.

["Sige PresiBabe, I love you.]

Shyteee.... Ito na naman bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Wahhh! Next Lorenzo naman e, pinapatibok mo lalo ang puso ko.

["PresiBabe nand'yan ka pa ba? Sagutin mo naman ako oh, I said I love you."] Sambit nito.

"I love you too, Demonster."

["Hin----"] Agad kong binaba ang phone ko dahil nasabi ko ulit ang importanteng mga salita para isa magkarelasyon.

Hays, ito na talaga. Hulog na hulog na ako kay Next pinalala niya pa. Sure na, siya na, hindi ko na siya papakawalan pa, crush ko siya, mahal ko siya. Pero ang tanong pareho kaya kami ng feelings?

Grabeeeee.... Hays.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa locker ko.

♡♡♡

Nang makarating ako sa hallway sa locker area napatingin sila sa lahat sa akin. Grabe ang mukha nila parang kakainin na ako. Napayuko na lang ako habang palakad sa locker ko. Grabe!

"Sila na pala ni Next, hindi naman sila bagay."

"Naturingan ng class President ng section A, pero karingking rin pala."

"Paano niya kaya niya naakit ang isang Next Lorenzo?"

"Baka ginayuma niya. Hihihi."

"Hays, wala na tayong magawa talo talaga ang maganda sa malandi."

"Lianne Sebastian? Line? Eww cheap ang pangalan."

"Duh! Basta hindi sila bagay ni Next."

Napabuntong hininga na lang ako sa naririnig kong bulong-bulungan nila. Gusto ko sanang ipamukha sa kanila na hindi ako ganun nga babae, kaya lang mas piniprotektahan ko ang image ko na magiging mabuting ehemplo sa kanila lalo na't President ako.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon