0️⃣6️⃣ Savior

155 13 3
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom ko. Oo na! Hindi na ako nagkasundo kay Next sa bahay, sinabihan ko lang siya na magkita na lang kami sa school.

Kung alam niyo lang, araw-araw naman talaga pumupunta si Next sa bahay namin at may bitbit pang mga snacks. Hays, mukhang pinapataba ako ng boyfriend ko.

Nang makarating ako sa classroom agad naman akong pumasok nito.

"Goodmorning classmates." Sambit ko nito at ngumiti sa kanila.

Nagkatitigan naman silang lahat parang nagugulohan pa. Ano bang nangyari sa kanila? Bakit ganon na lang sila sa akin?

"Ms. President, okay ka lang?" Tanong ng isa kong kaklase.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong na 'yon. "Oo naman." Sagot ko nito.

"Mukhang masaya tayo ngayon Bestie ha, kayo na ulit 'no?" Sambit ni Joyce sa akin.

Ano ba 'tong babaeng 'to, tinatanong pa ba 'yon? Hays.

"Oo nga Ms. President, kayo na ba ulit ni Next?" Tanong naman ng isa ko pang kaklase.

Hays, mga chismosa at chismoso talaga ang mga kaklase ko dito. Sorry na, pasensiya na kayo sa kanila.

Hindi ko sila sinagot gamit ang mga salita pero ngumiti lang ako sa kanila bago umupo sa upuan ko.

"Hays, feeling ko talaga nagkabalikan na kayo ni Next e." Sambit ni Joyce sa akin.

Oo! Tama kayo, hindi ko pa kasi sinabi ni Joyce na okay na kami Next baka kasi kumalat na naman ito sa campus sobrang daldal pa banat ito.

"Ano? Kayo na ba ulit ng Next Lorenzo mo?" Nakangiti tanong nito.

"Ha? Anong kayo na ulit?" Tanong ko naman nito na nagmaang-maangan pa.

"Hays, kayo na ulit magjowa na ulit kayo ni Next." Sambit nito na umirap pa si loka.

"Magjowa ulit? Bakit, nagbreak ba kami?" Sambit ko na ikina-----

"WAAAAAHH" Tili pa nito na ikinatingin ng mga kaklase ko sa kanya.

"Anong meron Joyce?" Biglang tanong na naman ng isa sa kaklase ko.

Tumayo naman itong si loka at mukhang gusto pang sabihin ito sa mga kaklase ko.

"Classmates, sila na ulit ni Next!" Sambit nito at tinuro pa ako.

"Waaaaahhh!!!" Sigaw pa ng mga kaklase ko na supportive.

Bwisit! Nakakainis din 'tong si Joyce e.

"Kailan ka pa nagiging MMO in this class?" Tanong ko kay Joyce. "Sa pagkakaalam ko Joyce, treasurer ka dito e. Hindi MMO." Sambit ko nito.

"Ms. President ngayon lang ako nagiging MMO," Sambit nito sa akin. "Who are we guys?" Tanong nito.

"We are NEXT in LINE!" Sigaw naman ng mga kaklase ko na ikinasampal ko na lang ni mukha ko.

Shyteee... Nakakainis sila. Bakit pa may paganon pa? Bakit?

🎶So I sing this song to all of my age🎵
🎵For these are the questions we've got to face🎶
🎶For in this cycle that we call life🎵
🎵We are the ones who are next in line🎶
🎶We are next in line.🎵

Kumanta pa talaga ang mga ito. Nakakabwisit na nakakakilig. Grabe!

"Who are we guys?" Tanong na naman nito.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon