1️⃣3️⃣ Next & Line

168 12 10
                                    


Next's Point of View

♡♡♡

Hindi ko lubos maisip na hahantong ang mga kwento namin ni Line sa ganitong sitwasyon. Sobrang nakakapanlumo, sobra kaming nasasaktan sa mga pangyayari at sobra kaming pinaglalaruan ng tadhana.

2 weeks na.... Hindi pa rin nakarecover si Line sa pangyayari at nangyari sa kanya. Everyday ako dumadalaw sa kanilang bahay, gusto ko na nga na hindi na doon na lang ako mag-stay sa kanila.

Simula noong pagkagising niya at sinabi ng Doctor na may amnesia siya hindi na siya nagsasalita na sobrang marami, 'yong tipong dumaldal siya sa amin. Nakakalungkot lang isipin na mukha na trauma pa rin siya sa nangyayari, pati mga kaibigan niya hindi niya makakausap na parang hangin sa harapan niya.

Pero sobrang swerte ni Line dahil lahat ng kaibigan niya ay hindi mga peke, nand'yan sila palagi para kay Line. Never nilang iniwan si Line, sobra ang saya ang ibinigay nila sa pamilya ni Line lalo na kay Line. Sobrang swerte talaga, sobrang swerte ko din dahil 'yong tinuring kong karibal ko na si Aaron ay kaibigan ko na ngayon. In short kaibigan ko na ang nga kaibigan ng mahal ko.

*phone vibrating*

Dinampot ko ang phone ko sa nilalagayan ko nito at sinagot ang tawag na galing kay Aaron. Niloudspeaker ko ang tawag niya dahil nagmamaneho ako ng kotse.

["Hello Next, nasaan ka na?"]

"Ito na papunta na ako, nagbabaktas pa papunta d'yan." Sagot ko habang nakatuon ang mga paningin ko sa kalsada.

["Bilisan mo naman ng konti, nandito na kami sa park na sinabi mo e. Syaka nandito na rin si Ice kasama na niya si Line."]

"Oo na nga! Malapit na ako. 5 minutes nand'yan na ako." Sambit ko nito.

['Sige. Maghihintay kami sayo dito. Sige na Bye na."] Sambit nito sa linya at binaba ang tawag.

Napabuntong hininga naman ako at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba habang papalapit kami sa park na palagi naming pinupuntahan ni Line. May plano kasi kami, tinulungan ako ng mga kaibigan niya na surpresahin si Line bago sila lumisan.

Sana naman gumana ang pakulo namin, alam ko naman na hindi pa rin niya akong naalala pero nagbabasakali lang akong gumana ito para maging masaya naman siya.

☆☆☆

Nang makarating ako sa park na sinasabi ko, agad naman akong bumaba sa kotse habang dala ang bouquet of flower na ibibigay ko kay PresiBabe.

Ilang buntong hininga rin ang ginawa ko bago ako nagkakalakas na maglakad sa naghihintay na kaibigan namin.

"Ang tagal mo." Sambit ni Joyce sa akin ng makalapit ako sa kanila.

"Sorry na po, pero nasaan na ba si Line?" Tanong ko.

"Ayon!" Sambit nila at sabay turo kay Line na nakasakay ito sa wheelchair niya habang si Ice naman nasa likuran niya.

Napabuntong hininga naman ako ng makita sila ulit.

"Tara na nga! Kaya mo 'yan Next, kakayanin natin 'to para kay Line." Sambit ni Aaron na ikinangiti ko.

May dala pa lang gitara si Aaron, sobrang nakakatuwa lang dahil suportado niya ako para kay Line sa kabila ng awayan namin noon.

"Who are we guys?" Tanong ni Andi.

"We are Next in Line!" Pasigaw pa na sambit nilang lahat.

Ang swerte ko naman sa nga 'to, hindi ko inaasan na ang mga taong to ang tutulong sa akin para surpresahin si Line. Kalimutan na lang natin ang nangyari na reunion nila na ginulo ko, babawi na lang ako sa kanila. Promise 'yon.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon