0️⃣4️⃣ Apology

195 16 7
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

Hindi ko alam anong gagawin ko ngayon. Ewan ko ba, sobrang sakit pa rin talaga ang ginawa ni Next sa akin.

Oo! sobrang unfair niya, sobrang selfish niya sobra. Nag I LOVE YOU siya sa akin pero hindi pala totoo at ako naman nagpapaniwala sa kalokohan niya.

Siguro lesson learned ko na 'to, na wag magpapaniwala sa I love you, hindi lahat ng I love you ay totoo, hindi lahat ng nagsasabi ng I love you ay totoo tulad ni Next Lorenzo.

Ito na naman ako, hindi maiwasan na hindi maiyak. Lagpas 10PM na ngayon pero hindi pa rin ako makakatulog dahil sa ginagawa niya.

Ang dami na niyang text sa akin pero hindi ko binasa, andami na rin niyang tawag pero hindi ko ito sinagot at pinindot.

Hays, hindi pa rin talaga ako maka-get over sa pagsuntok ni Kuya Ice kay Next, naging friendship is over na tuloy sila dahil sa akin. At kanina nga lang, sinundan pa ng suntok ni Papa si Next dahil sa akin.

Nakakabwisit rin talaga 'yong si Next e, sinundan pa ako dito sa bahay kaya ayon nasapol na naman siya ni Papa. Sobrang dismayado si Papa kay Next, pero mas dismayado ako sa sarili ko.

Alam ko naman na isang playboy at chickboy ang isang Next Lorenzo pero pumatol pa ako nito, napaniwala kasi ako e. Sobrang napaniwala niya ako sa sinabi niya, siguro dagdag na rin ang kapogihan niya at crush ko siya kaya nakuha niya ang first kiss ko at sinabi ko ang I love you too na sinsero.

Kumusta na kaya siya? Okay na kaya siya? Malamang okay na 'yon dahil nga nagbalik na si Pam na first love niya. Pero 'yong sugat niya kaya, ginamot na kaya niya? Hays. Bakit ba concern ako sa kanya pero hindi ako nagiging concern sa puso ko.

Kanina naman nagkita kami ni Pam sa library dahil sa sakit ng nararamdaman ko kanina gusto kong mapag-isa. At sa library ko naisipan na pumunta ngunit sa kasamaang palad nagkita kami sa first love niya.

Andaming chika ni Pam nga e, hindi nga ako makapagsalita. Sinampal niya ako sa katotoohanan na siya daw ang first love ni Next na hanggang ngayon ay sila pa rin.

*Flashback*

"Ahmm.... Hi!" Napatingin ako sa boses na 'yon at nakita ko nga ang babaeng first love ni Next.

Ngumiti ito sa akin na ikinangiti ko na lang din ng pilit. "Pwedeng makiupo?" Tanong nito sa akin.

Napatingin naman ako sa paligid ko, andami pa namang vacant per bakit dito pa siya gustong umupo?

"Okay lang naman diba? Uupo na ako ha." Sabi nito at umupo kahit walang pahintulot sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at tinuon ang paningin ko sa binasa kong libro ng magsalita na naman siya.

"So, Lianne Sebastian right? Also known as Line?" Tanong nito na ikinatingin ko sa kanya at tumango na lang ako.

Ano ba ang plano ng babaeng ito? Bakit niya ako ginaganito? Papahirapan nita din ba ang buhay ko, gaya sa mga teleserye at bida ng mga books? Iba din kasi ang tupak ng mga tao na bumabalik e, naghihiganti nagiging kontrabida bigla sa mga buhay namin.

"So, ikaw pala ang pinagtripan ng boyfriend ko ngayon?" Tanong nito na ngumiti pa ito na ikinayuko ko.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon