0️⃣2️⃣ I Love You

226 13 16
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

*KRINGGGGGGG*

"Class Dismissed!"

"Bestie tara sa canteen?"

"Bestie, ano ba? Punta na tayo sa canteen."

"HOY LIANNE SEBASTIAN ALYAS LINE!" Sigaw ng bwisit na babaeng ito sa tenga ko.

"Ano ba?! Bakit mo ba ako sinisigawan?!" Inis na sambit ko nito at napatayo pa.

"Hala siya, galit si Ms. President." Sambit pa nito sa akin.

Napalingon ako sa paligid ko sa classroom ng nagsilabasan na ang mga kaklase ko.

"Nagring na ba ang bell?" Tanong ko.

"Kanina pa." Sagot nito sa akin.

Hala, kanina pa pala nagring ang bell pero bakit tulala ako masyado? Bakit lutang ako? Bwisit kasi masyado ang Next na 'yon e.

"Lutang masyado Line ha, mukhang si Next na naman ang nasa isip mo e." Sambit nito sa akin na ikinairap ko.

"Babe." Napatingin ako sa likuran ko ng makita ko si Next na ngumiti pang pumunta sa direksyon ko.

"Ayon, Babe. Kaya pala lutang dahil Babe ang tawagan niyo." Sambit na naman sa lokang ito.

Nakakairita rin 'to minsan si Joyce e, nakakainis.

Agad naman niya akong inakbayan sa balikat na ikinakiling pa ni Joyce.

"Ayieee.... Totoo na 'to? Kayo na ba?" Tanong nito sa akin.

"Hindi pa ba nasabi ni Line sayo?" Tanong ni Next kay Joyce.

"So kayo na nga?" Tanong naman ni Joyce na ikinatango ni Next. "Wahhhh! Congratulations Bestie, diba pangarap mo lang 'to dati na maging kayo ng crush mo." Sambit pa nito.

"Bwisit ka! Wala akong sinabi sa kanya. Syaka hindi----"

"Hindi niya ako kayang saktan dahil mahal na mahal ako ni Babe ko." Singit ng lalaking ito.

"Ayieee.... Edi kayo na ang mag jowa. 🎶Sana all may jowa, 🎶 Sana all mahal, 🎶 🎶 Sana all pinili ng tao niyang mahal.🎶" Biglang kansyaw nito at kumanta pa si loka.

Hays, baliw talaga e.

"Tara na nga sa canteen." Sambit ni Joyce at nauna pang lumabas sa amin.

Napabuntong na lang ako sa pinapaggawa ng lalaking ito sa akin. Totoo ba ito? Baka kasi niloloko lang ako ng demonster na 'to e.

"Demonster." Sambit ko nito.

Napabusangot siya sa sinabi ko. "Grabe naman 'yong demonster." Sambit niya at nag-pout ulit.

"E, demonyo ka naman diba?" Sambit ko nito at umirap.

"Hays, may demonyo bang ganito kagwapo?" Sambit niya at tinuro ang mukha niya.

"Ang hangin mo." Sambit ko.

"Hindi naman." Sambit nito.

"Pero monster ka naman e, nakakatakot ka nga e." Sambit ko na naman sa kanya.

"Hays fine. Okay na Demonster na ako ng Demonster, pero itong Demonster na sinasabi mo ito lang naman ang minahal at boyfriend mo." Sambit niya na ikinairap ko.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon