EPILOGUE

363 19 23
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

1 month later...

Tatlong oras ang biyahe namin papunta sa Maynila ngayon pero hindi ako dinalaw ng antok. Sobrang namangha lang siguro ako sa nakikita kong tanawin papunta sa papuntahan namin. Sobrang ganda lang ang nasasagap kong tanawin habang nakatanaw ako sa bintana ng van na ito.

Sobrang excited lang akong makapunta sa Maynila, hindi ko first time na pumunta doon pero sobrang excited lang ako dahil marami pa daw magagandang views na maari kong puntahan.

Laking pasasalamat ko nga sa pamilya ko. Si Mama, si Papa at Kuya Ice ay palaging nand'yan sa akin para pasayahin ako. Oo na, aminado akong nawala nga ang pamilya ko pero gusto ko naman talagang mabuo ulit ang pagkatao ko.

Kaya ito ang isang dahilan kung bakit pumunta kami pupunta sa pupuntahan namin sa Maynila dahil feeling ko masubo ko ang pagkatao ko, siguro nandoon na ang lahat ng sagot ng tanong, masasagot ko na ang lahat-lahat na tanong sumasagi sa utak ko.

Si Papa ngayon nagdridrive, si Mama naman nakatulog na nasa tabi ni Papa, si Kuya Ice nanan ito headset lang habang nakakatulog na sa music. At ako naman naenjoy ang napapanood kong mga magagandang tanawin na nadadaanan namin.

*BEEEEPPPPPP*

"Aray!" Sambit ko ng tumama ang ulo ko sa likuran ng upuan ni Mama.

"Okay ka lang anak?" Tanong ni Papa sa akin.

"Okay lang po ako Pa." Sagot ko nito at ngumiti habang hawak pa rin ang ulo ko.

Napatingin naman ako kay Mama at Kuya na medyo nagugulohan pa ito. Nagising tuloy sila ng biglang pag-brake ni Papa sa van.

"Anong nangyari Honey?" Tanong ni Papa.

"Mukhang naubusan tayo ng gas Honey e." Sambit ni Papa.

"Ano?! Hindi pa tayo nakakarating sa bahay natin ha." Sambit ni Mama.

"Wait lang, bababa muna ako." Sambit ni Papa at bumaba ito ng van.

Maya-maya pa bumaba na rin si Kuya at Mama. Mukhang may may chine-check sila sa kotse e, dahil binuksan ni Papa ang harapan ng van. Ano ba talagang nangyari? Naubusan lang ba talaga kami ng gas o may sira na rin ang van namin?

Bumaba na rin ako at nakiusisa na rin sa kanila. "Anong nangyari Pa?" Tanong ko.

"Wala anak, medyo nakaproblema lang ng konti. Pero kaya ni Papa itong ayosin." Sambit nito sa akin.

"Pa, 'yong isang gulong sa likod flat na rin." Sambit ni Kuya Ice na ikinabuntong hininga ni Mama.

"Honey, hindi mo pa chine-check bago tayo bumiyahe?" Tanong ni Mama.

"Chine-check naman pero hindi ko naman alam na nagkaganito ito. Kaya pasensiya na kayo, maaayos na rin 'to." Sambit ni Papa habang nakafocus ang paningin sa pyesa ng van.

"Hays." Sambit na lang ni Mama.

"Pumunta muna kayo sa loob Honey, kaya ko na ito magpatulong na lang ako kay Ice." Sambit ni Papa kay Mama.

"Hays." Pairap na sambit ni Mama.

"Kung gusto niyo pwede naman kayong mauna na sa bahay e. Isang taxi nga lang ang sakayan dito diba. Pwede naman kayong mauna ni Line e." Sambit ni Papa.

"Wag na, sama-sama na lang tayo." Sagot nito.

"Okay." Sagot ni Papa.

Napalibot ko ang paningin ko dahil sa ganda ng park na nahintoan namin. Bakit parang familiar sa akin ang lugar na ito? Bakit sobrang familiar siya? Nakapunta na ba ako dito?

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon