0️⃣9️⃣ Cool-Off

151 14 1
                                    


Line's Point of View

♡♡♡

"Manong para po." Sambit ko kay Manong Driver at inabot sa kanya ang pamasahe ko.

Agad naman akong bumaba ng taxi para pumasok ba ng bahay namin.

"PresiBabe!" Napatingin ako sa tumawag sa akin ng bumaba siya sa kotse niya.

Ito na naman siya, sinusundan talaga ako dito sa bahay. Awtomatiko namang nangilid ang luha ko sa mga mata.

Dali-dali kong binuksan ang gate.

"PresiBabe." Sambit nito at hinawakan pa ang braso ko.

Awtomatiko naman akong napahinto sa sinabi niya at napabuntong hininga pa bago nagsalita. "Ano ba ang ginawa mo dito?"

"PresiBabe, pag-usap naman natin 'to oh. Ayosin naman natin 'to." Sambit nito na tingin ko sa kanya.

"Ayosin? Paano?" Tanong ko nito.

"Kalimutan na lang natin 'yon ang nangyari kanina." Sambit nito sa akin.

"Seryoso ka? Akala mo ba na ganon na lang kadali 'yon Next? Pinahiya mo ako sa harapan ng mga kaibigan ko. Next! Nahihiya ako sa ginawa mo?! Ano? Amnesia lang, na ganon na lang kalimutan 'yon." Sambit ko nito na ikinabagsak na naman ng luha ko.

"Sorry." Sambit nito sa akin. "Anong bang gagawin ko para mapatawad mo ako?" Tanong nito sa akin.

"Next! Walang iba kang dapat gawin kundi layuan ako."

"Ha? Walang ganyanan naman oh. Ayaw ko!" Sambit nito.

"Ayaw mo? Bakit?"

"Line, nangako tayo sa isa't-isa na hindi tayo maghihiwalay. Nangako ako sayo na ikaw lang hanggang dulo, nangako ka sa akin na sa akin hanggang dulo," Sambit niya nito. "Line, wag naman ganito oh. Wag naman umabot pa sa ganito, magsasama pa tayo sa pagtanda diba, maging asawa mo pa ako, magkapamilya pa tayo." Sambit nito.

"Next, kailangan ko lang makapag-isip isip. Respetuhin mo naman ako oh, gusto kong isipin na tama ba 'tong ginagawa natin, tama bang ipagpatuloy pa ang relasyon na 'to, tama ba na pipiliin kita kaysa sa mga kaibigan ko," Sambit ko sa kanya ko sa kanya na ikinabagsak muli ng luha ko. "Next, I need space. Nagugulohan ako sa nangyari e. Sobrang nagugulohan ako ngayon. Wala akong mukhang ihaharap sa mga mga kaibigan ko, syaka galit pa rin ako sayo. Galit na galit pa rin ako sa ginawa mo!" Sambit ko nito.

"Okay lang naman na magalit ka sa akin e, pero wag naman na iwanan mo ako. PresiBabe, please... Wag mo akong iwanan. Please." Sambit nito sa akin na ikinaluhod na naman niya sa harapan ko.

Ito na naman siya. Ito na naman ang paluhod-luhod niya. Ito na naman siya na nagmamakaawa sa akin.

"PresiBabe, wag naman ganito. Pleaseee. Wag mo akong iwanan, PresiBabe." Sambit nito na ikinangilid ng luha niya.

"Next naman e, kailangan ko lang mag-isip isip. Kailangan ko lang ng space. Please, wag mo muna akong pahirapan pa, wag mo nang pahirapan ang sarili mo," Sambit ko nito. "Demoster, wag kang advance mag-isip. Space ang hiningi ko! Cool Off lang! 'Yon lang 'yon." Sambit ko na ikinabagsak ng luha niya.

"PresiBabe."

"Next sige ba please....Umalis ka na." Sambit ko nito.

"PresiBabe."

"Sige na please. Umalis ka na, umalis ka muna." Sambit ko ulit nito.

Napatayo naman ito sa nakakaluhod at ngumiti ito na parang napipilitan. "Fine! Kung 'yan ang gusto mo susundin ko. Rerespetuhin kita dahil mahal kita." Sambit nito bago tumalikod sa akin.

H2H the series: Next in LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon