-+S+-
"Sissyyy, ingat ka always ha? I will miss you.."
Dahan-dahan kong inilalagay ang mga damit ko sa rose-gold na luggage case ko. Tumayo ako at lumapit kay Faith atsaka ko siya niyakap. Narinig ko ang hikbi niya at naramdaman ko ang lungkot niya.
"Sammy, hindi ba dapat maging masaya ka kasi uuwi na ako ng Pinas?" Tinignan ko siya at may nakita akong luha sa gilid ng kanyang mga mata, kinalong ko siya at pinisil ang kanang braso.
Tumayo ako at tumalikod kay Faith at nagpatuloy sa pag-iimpake. Palihim akong nasasaktan, aaminin ko man, ayoko pa talagang umuwi ng Pilipinas. Pero anong magagawa ko kung ito talaga ang magiging tadhana ko?
"Didn't I tell you not to call me Sammy? Sam? Samantha or what? Nvm. I'm happy naman na you're uuwi na to our country. But my problem is, is this really what you want?"
Gusto ko ding maiyak dahil alam ko sa sarili ko na marami akong mamimiss dito, pero kailangan ko din talagang umalis para malabanan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi madali para saakin ang umalis sa bansa kung saan nakahanap ako ng pag-mamahal.
"H-huh?" Tinaasan ko siya ng kilay at patanong na tumingin sakanya.
"Ang saakin lang naman Alz, bakit biglaan? Parang kahapon lang nag pa-party lang tayo at nag-papakasaya tapos natulog lang ako pagka-gising ko walang pasang-awa umuuwi kana?" Malungkot na sabi ni Faith at nagmamakaawang tumitingin sa akin na para bang nanghihingi ng isang buwang palugit.
Tinignan ko siya sabay iling, "Faith, kailangan. Alam ko naman na maiintindihan mo ako, hinihiling ko nalang suporta mo. Sabay na kami ni Adam. Haha!"
"I'm supporting you, bitch! I'm just kinda naguguluhan why is it so biglaan!? Like boomplash!" Gulong-gulo at may pa sabunot effect pa ito sa sarili niya.
"Alam mo kung bakit?" Madamdaming tanong ko.
"Bakit?!"
"Tanong mo sa aking pwit!" I laughed so hard because of my joke, like there's nothing tomorrow! And also to break the sad momentum.
"Ah! We both know what the reason is.., no hindi what, it's who..." sambit nito, tinignan niya ako ng may malisya, napatigil ako sa kakatawa. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Mantha, hinde." Sambit ko nang hindi siya tinitignan. Itinayo ko na ang trolly ko dahil tapos na akong mag-impake.
"Look into my eyes habang sinasabi mo yan," Nilabanan ko siya ng tingin, pero sa huli ay napasuko na lang ako. Agad ito napa hug sa unan at tinignan ako ng may pag-aalala.
"Faith, sana wag mo munang ipahalata sa kanila..." yumuko ako habang sinasabi yon, at isinuot ko ang oversized grey blazer ko na nakapatong sa white turtle neck ko.
"Okay, I'm no longer mangungulit.. but I'm hoping that your decision will change." At niyakap niya uli ako ng mahigpit mula sa likod.
Wala nang makakapag-pabago sa desisyon ko. Desidido na ako, wala nang kahit sino at ano ang makakapag-papigil sa akin. Uuwi ako sa bansa kung saan ako isinilang.
Narinig ko nanaman ang pagpipigil niya ng iyak, kaya kinalong ko ulit siya at hinalikan sa noo. Hindi naman pwedeng mag-iyakan kami dito kaya naman nagpatuloy na ako sa pag-iimpake.