02

105 8 0
                                    

"Siz, what's bagay sa kin?" Faith asked. Handling two bodycon dresses.




"That one." Turo ko sa dark red off-shoulder long sleeve dress.




We are preparing for her party later kahit na labag sa loob kong sumama, pero alam ko naman na hindi pwedeng hindi ako sumama. Bibihira lang umuwi itong si Faith sa Pinas kaya 'Go' lang ako kahit ayaw ko talaga. Char! Kelangan ko 'din talaga 'to.




Pumipili pa si Faith ng susuotin niya habang ako ay nakapag decide na kung ano ang susuotin. Ang dami kasing alam na welcome party, welcome party. Aalis din naman sa susunod na buwan niyan. Tapos may pa despedida then may welcome party nanaman siya sa Canada non. Haystt.




"Pero, I think, mas bagay 'to sa akin, eh." She said and raised the bandage bodycon sleeveless evening party cocktail club short mini dress in her right hand.




"Psh. Nagtanong ka pa?" Pagtataray ko.




Tinanong niya ako tapos nung sinagot ko yung tanong niya, yung hindi ko pinili ang gusto niya. Kakaiba. Sabagay sanay na din naman ako sa loka-lokang babaeng 'to.




"Ikaw? You don't wanna ask me kung what's bagay for you?" She asked while looking at the dress down in my bed.




"Hindi. Nakapili na ako eh." Sagot ko at ipinakita ang napili kong short pleated white jersey long sleeve cocktail dress.





"Eww! Hindi bagay sa'yo iyan. Para kang ikakasal!" She look me with judgement. "You know what's bagay sa you?" She asked.




I just shrugged. I know, kalokohan ang sasabihin niyan kaya hindi ko na pinatulan yung tanong niyang kung anong bagay sa akin.




Itinaas niya ang sequin glitter sparkly deep v neck halter backless bodycon, pero nagsalita. "Si Rj ang bagay sa'yo sezz!" She pointed at me and look me teasingly.




"Manahimik ka nga diyan. Puro ka reto!" I glared at her before reaching for her hair to pull. I wanna sabunot her until her hair will fall out. Pero hinila ko lang nang bahagya ang laylayan neto.




She slapped my hand and hide her hair away from mo. "Aray ko, gaga ka! my precious hair." She kissed her hair and made his hands run over it. Muntikan niya na din ako masabunot. "Ang mahal kaya magpa-salon sa Canada!"




"Yan ang napapala ng kakaasar, aray ko, aray ko kapa diyan. Precious hair, precious hair." I told her and smiled.




"Oo na! Sorry! Pero ito suotin mo, bonggaaa!" She eagerly said and handed over the sequin glitter sparkly deep v-neck halter backless bodycon.




"Hell, no! I'm fine with this." I said and raised my pick.




"Wear this for me, please?" She pleaded. "Anisa and Adam were here in the Philippines. Rowan is withhh themm!" She said happily to me.




"Weh? Nek-nek mo!" I assured. Medyo may pagkasinungaling tong si Faith para lang makuha ang gusto eh.




"Kasama ko sila umuwi here sa Pinas. Surprise sana for you, kaso hindi na surprise." She said and showing their picture from the airport, she also showed the date and time, and that's exactly what she's wearing nung dumating siya nung graduation ko. Nagkita na lang daw sila sa Airport sa Korea dahil hiwalay ang flights at kahapon ang lapag ng eroplano niya from stop over at ngayon naman ang kari Anisa.




"Totoo nga?" Sabi ko at kinuha ang cellphone niya sa kanya. Umupo ito sa harap ng salamin ko.




"Nauna na parents ni Ani dito last week, kaya sumunod siya. Ewan ko ba do'n! Himala. Si Adam, trip lang daw umuwi ng Pinas. Si Rowan naman nakisama-sama lang din. Aba! Dapat ay ihahatid lang ako, nagulat na lang ako na mas ready pa sila sa'kin!" Pagpapaliwanag niya sa akin habang kinukulot ang dulo ng buhok niya.



CanadaWhere stories live. Discover now