05

66 5 0
                                    

It's been weeks, I'm sorry. Bebe time/acads haha!

______

"Oh, sis. Galaw-galaw! Kanina ka pa nakatulala sa harap ng banyo. Ayos ka lang?"




Agad akong kumilos papasok ng banyo pagka-tapos akong iyugyog ni Faith.




Ang bigat ng pakiramdam ko kanina pa, simula pagka-gising ko. Hindi ko maalala kung anong napanaginipan ko, pero sigurado ako na yun ang bumabagabag sa'kin. Hindi ko matandaan kung ano pero ramdam ko yung bigat at lungkot sa panaginip ko na nadala hanggang sa realidad.




"Masyado na ba akong maraming iniisip na negative?" Tanong ko sa sarili ko habang naka-harap sa salamin.




I have started to take a bath. Pagkatapos naman, nagpatuyo na ako ng buhok at nagbihis na. Sweatpants at T-shirt na lang ang suot ko. Si Faith naman ay naka oversized shirt at short.




"Ani, 'di ka pa tapos? Pambihira ikaw kaya unang nag-ayos sa atin!" Gulat na sabi ko nang makita pa rin siyang nasa vanity area ko na naka bra at shorts pa rin.




"Alzena Liberty, oh my gosh! Dapat lagi us maganda. What if magka car accident? Or something bad will happen? I don't wanna die na ugly ako." She proudly said, todo katok naman kami ni Faith sa lamesa sa gilid nang kama ko na gawa sa kahoy.




"Ulul ka! Ano-ano pinagsasasabi mo!" Nakatanggap 'to nang sapok kay Faith.




"I'm just stating the possibilities, duh?"




"Kahit na," pagpapaalala ko sa kanya.




"Yes na, urr.. I'll continue what I'm doing na nga lang." She turned her back on us at ako ay nag p-ponytail na.




"Gaga ka!" Pahabol naman netong si Faith. Nagbangayan pa sila pero hindi na ako nakisali at inayos ko na mga bags sa dadalhin ko at bumaba na.




Saktong pagkababa ko ay parating na sila Adam at Rowan James. Sila na ang nag-akyat nang mga gamit ko at ibang gamit nila Faith.




Agad akong nag chat sa GC




Alzlangjejemon: @Faith @Ani baba na, nandito na sila Adam.




Euniceyy: sana all 👉👈




Faithniyobastos: pababa na
Faithniyobastos replied to Euniceyy: mukha mo sana all




Bartbulok: Arat Eu, gala tayong dalwa




Anigirl: eunice, if i were u, auto pass





Bartbulok: wag kang feeling, di kita aayain




Anigirl: wala pa man pass na ako




Takshapo! Anong Alzlangjejemon? Ewan bakit ganito mga nicknames namin, paniguradong si Adam ang nagpalit nito.




Dali-dali naman ay nasa baba na 'tong si Faith at chinismisan si Adam. Busy na silang dalawa at ako naman ay nag ccheck baka may makalimutan at tinatanong sila mommy baka may nakalimutan din.




"Nasaan na ba yang si Ani? Alam naman na aalis kung saan-saan pa nagsasasaksak."




Naiinis na tanong ni Faith sa amin at lahat kami ay hindi alam kung nasaan nga ba ang isang yon. Paalis na dapat kami papuntang Pampanga kanina pa, e ang kaso, hindi namin mahanap si Ani. Sabi niya pa-tapos na siya nung nagbaba kami nang mga gamit.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CanadaWhere stories live. Discover now