MAsaya kaming nagdadaldalan ni Dianne ng biglang may nang agaw sa atensyon ko.
"Bitch!" sigaw ng isang mangkukulam na nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.
"What?!" sagot ni Dianne sakanya.
"Hindi kita kinakausap ,wag kang sumabat!" pananaray ni Yenn the mangkukulam kay Dianne.
*pak!*
Sasagot pa sana si Dianne kaso bigla akong sinampal ni Yenn.
Napahawak ako sa pisngi ko. Nakajackpot ang bruha.
Agad namang nag-init ang ulo ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nanampal sakin.
I slapped her face, too.
*pak!*
"Yan ay para sa pananaray mo sa kaibigan ko" then sinampal ko naman yung kabilang pisngi niya,
*Pak!*
"At yan ay para naman sa pananampal mo sakin. Sa susunod na mananampal ka, dapat magkabillihan para pantay."
Na-froze pa ata ang mangkukulam..It took a minute bago siya makarecover sa pagkakasampal ko.
"Walang hiya ka! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo ang boyfriend ko! "
akmang sasabunutan na sana siya ni Dianne kaso pinigilan ko siya. Laban ko to eh. hahaha
"Ang kapal naman ng pagmumukha mong sabihan ako ng walang hiya. Una, hindi ko naman nilalapitan boyfriend mo. Pangalawa, wag mong mataray tarayan bestfriend ko huh?! And lastly, para mapanatag ka, ibibilhan kita ng isang milyong CCTV camera. Ikabit mo yon sa boyfriend mo, para mapanatag ka na't nababantayan mo ang bawat kilos ng boyfriend mo." Hinila ko na si Dianne papalayo kay Yenn na napanganga nalang sa sinabi ko.
Patakbo akong bumalik sa nakanganga paring si Yenn..
"Oo nga pala, eto 50 pesos, ibili mo ng kadena ng aso, ikadena mo na din si Zymer. Tsaka pakisara na yang bunganga mo. Bumabaho ang paligid eh" I flipped my hair at tsaka ko siya nilayasan
Mabait ako at hindi ko gawain ang pumatol. Pero sobra na siya kanina, napuno na ako kaya pinatulan ko na rin siya.
After that incident, hindi na rin nagparamdam si Zymer sakin. Mabuti na rin iyon para makaiwas na ako sa gulo. Ang hirap pala ng ganito. Yung inlove ako sa taong committed na. At the same time "mahal" din "daw" niya ako kaso hindi niya maiwan yung girlfriend niya. Naguguluhan ako. hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa pinagsasasabi ng lalaking yon. Pero gusto kong umasa. gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya. Mahal ko talaga si Zymer.
(A/n: waaaahhhhh... ang dull ng story :( . Kung naboboring na po kayo sa pagbabasa, pwede niyo na po akong iwanan at itigil ang pagbabasa.Pero sa patuloy pa rin pong magbabasa..MAHAL KO NA KAYO Hahaha.. I swear :) pero syempre, mahal ko pa rin naman yung mga nagbasa na sa previous chapters hihi .
Kung gusto niyo rin po pala akong i-add sa fb, here's my account
ellenramos28@yahoo.com :)
***********************************************

BINABASA MO ANG
My Mr. Yabang
JugendliteraturLAhat naman tayo gustong main-love balang araw hindi ba? Pano kung dumating nga yung panahon na yon? tapos nainlove ka sa isang taong ang ugali ay simpatiko, mayabang, masungit at puro hangin ang dala nito sayo? Gugustuhin mo pa bang mainlove? Nangy...