Chapter 24

27 3 1
                                    

*ring*ring*

"hello?"

*magandang buhay bestfriend!* bati sakin ni Dianne over the phone.

"magandang buhay din bes, napatawag ka?"

"nasan ka ngayon? Shopping tayo dali, wag ka ng tumanggi ,my treat!"

Oh libre daw?! Aarte pa ba ako? haha  kaya mabilis pa sa alas kwatro oo na ang sagot ko! haha

"okay bes"

*toot**toot*

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

MALL.

"Bes ito pa! "

"isukat mo pa to!"

"Ito dali !"

Naku kanina pa ako rinding rindi sa bestfriend ko, balak ata niyang ibilhan ako ng isang buong closet na damit. Napapagod na nga rin ako kakasukat, naka apat na daang balik na ata ako sa loob fitting room :D

"Bes balak mo ba akong ibilhan ng pang isang taon na supply ng damit? Nakakahiya na oh, ang dami dami mo ng binili para sakin"

"haha pwede rin kung gusto mo. hahaha . Tsaka  Ikaw Bhem? may hiya? kailan pa?!" pagbibiro niya

"Since birth bes " maayos na sagot ko.

*krugkrug....*

(tunog po iyon ng nakulong sikmura xD diko kasi alam sound effect non :D)

Lumaki ang mga mata ni Dianne at saka ito tumawa ng tumawa.

"Hahahaha! Gutom ka na bes! Tara na nga, sa KFC tayo dali , "

Habang tahimik kaming kumakain ni Dianne dito sa KFC , bigla nalang may sumigaw ng pangalan ko. Napatingin ako sa may direksyon ng sumigaw at nakita ko si Kiel kasama ang yaya niya.

"hi Tita Bhem, pwede po ba dito nalang din kami ni Yaya kumain sa table niyo?"

pagpapaalam niya at tsaka niya ako niyakap. Napangiti naman ako sa ginawa ng bata. Ang sweet niya talaga.

"Oh sige okay lang Kiel" sagot ko naman.

Napansin ko namang napatitig si Dianne kay Kiel ng matagal. Ngunit ng maglaon ay nagpatuloy na ito sa pagkain. Habang busy sa pagkukwento si Kiel habang kumakain, bigla nalang itong sumigaw at napatingin sa bandang pintuan.

"Daddy!"

Mabilis akong napalingon sa tinawag na Daddy ni Kiel..

And to my surprise...

Tanging OMG! na lamang ang nasambit ko.

O_o

Batid kong nagulat din ang daddy ni Kiel ng makita niya ako.

"B-Bhem?!"

 gulat na sambit niya.

"I-It's Y-You.."  halos pabulong na ang pagkakasabi ko.

Mabilis na lumapit ang Daddy ni Kiel sakin at bigla nalang niya akong niyakap.

Ako? Eto, gulat parin.

Hindi ko kasi sukat akalain na magkikita kami matapos ang maraming taong di pagkikita.

Bakas din sa mukha nina Yaya at Kiel ang pagkagulat ,

"Akalain mo nga naman, magkikita pa pala tayo ano?" sabi ni Dianne.

"Maliit lang talaga ang mundo Dianne,so kamusta?" tanong ng Daddy ni Kiel.

"Hmm. eto, maganda parin! Ikaw kamusta ka? Anak mo si Kiel? "

"Haha . Oo anak ko. "

Napansin ko namang napatingin siya sakin.

"Bhes?"

"Tita Bhem!"

Kung hindi pa ako sinigawan ni Kiel at Dianne, malamang hindi pa ako bumalik sa ulirat.

Ang tagal ko atang na-space out.

"O-oh?"

"Hay sa wakas, narinig mo rin kami. Kanina kapa namin tinatawag ni Kiel eh"

Matapos ang mahaba habang kainan at kwentuhan. Naliwanagan din sina Yaya at Kiel kung ba't kami magkakakilala. Lubos ang kasiyahan ni Kiel ng malaman niyang magkakilala pala kami ng Daddy niya.

Hindi ko lang lubos maisip na ang taong matagal ko ng kinalimutan ay muli kong makikita ngayon, na kasama pa ang anak niya. Kaya pala napaka familiar ng mukha ni Kiel, nakuha niya ang features ng Daddy niya.

(A/n: sino nga kaya ang daddy ni Kiel? Would it be... uh.. nevermind :D Let's find it out on the next chapter xD Sorry pala sa late na UD. ^_^V)

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

My Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon