*vibrate*
inopen ko yung phone ko para i-check kung sino yung nagtext.
From : 0909...
-kamusta kana Bhem? Si Zymer 'to'
Automatic naman na nagreply ako, dala na rin siguro ng pagkamiss ko sakanya.
To 0909..
-okay naman ako. Ikaw? Long time no text hehe
*"-ok lang din ako. Kamusta naman pala ang lovelife mo?
Nangunot naman yung noo ko sa tanong niya. Akala ko hindi na niya uungkatin ang lovelife ko.
"eto, okay naman. I'm happy with my boyfriend, Abcde.."
There's no point in denying naman kaya sinabi ko na sakanyang may boyfriend na ako at masaya ako sakanya.
*"Hmmp! Ganun, mahal mo ba siya?"
"Ghad! Anong klaseng tanong yan zymer?! Ofcourse mahal ko siya and what's with the 'hmmp" mo? Anong ibig sabihin non?"
"Wala wag mo ng intindihin. Dapat ako lang yung mahal mo eh'
Tss.. So ano to? Pinagbabawalan niya akong magmahal ng iba/ ? Samantalang sya free na mahalin si Yenn? grabe lang..
"Hindi habang buhay Zymer na ikaw lang yung pwede kong mahalin. Ikaw nga may Yenn ka eh, at matagal ko ng tanggap yon'
Nag antay ako ng reply ni Zymer kaso hindi na siya uli nagreply. Medyo nakakainis lang. Parang ang selfish niya. Wala na ba akong karapatang magmahal ng iba? Samantalang siya meron namang iba.
"babe, what's wrong?' alalang tanong ni Abcde sakin. Halos makalimutan ko ng kasama ko pa pala siya.
"Nothing babe" sagot ko.
'Sure ka? Eh kanina pa kita napapansin na parang naiinis ka dyan sa katext mo. Sino ba yan?"
*sigh*
"Si Zymer babe.." tapos tinignan niya ako na parang may pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya,para malaman naman niyang hindi ako mawawala sakanya. alam kasi niya yung past namin ni Zymer.
napabuntong hininga na lamang siya " May communication pa pala kayo ano? Akala ko wala na"
"Wala naman na talaga eh,kaso bigla nalang siyang nagtext ngayon..hmm Kung iniisip mong iiwan kita para sakanya babe, nagkakamali ka don. Hinding hindi ko yun gagawin sayo"
Mukha namang napanatag si Abcde sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Mr. Yabang
Novela JuvenilLAhat naman tayo gustong main-love balang araw hindi ba? Pano kung dumating nga yung panahon na yon? tapos nainlove ka sa isang taong ang ugali ay simpatiko, mayabang, masungit at puro hangin ang dala nito sayo? Gugustuhin mo pa bang mainlove? Nangy...