Chapter 25

52 2 1
                                    

Narito ako ngayon sa labas ng pinto ng bahay nina Abcde. Nagkasakit kasi si Kiel kaya nagdecide akong dalawin ito, besides, hindi na iba saakin ang bata. Akmang magdo-doorbell palang ako, kaso biglang bumukas yung gate nila at nakita ko si Lmnop. Remember her? Abcde's sister :)

Agad niya akong dinamba ng yakap at halik.

"Kyaaaahhh!!!! I can't believe this! As in Oh my fudging gulay! ,Ate Bhem! Hindi ako makapaniwalang magkikita tayong muli! Ghaad!!  Mas lalo kapang gumaganda."

Ang o.a na ng reaction niya -_- Kung di lang kami close neto, binatukan ko na to.

"Hehe..ikaw nga tong mas gumaganda oh"

Hinigit niya ako sa braso at masayang nagtungo kami sa bahay nila.

Pagkapasok ko palang, nakita ko si Kiel na matamlay na nakahiga sa sofa. Nang mapansin niya ako agad itong tumayo at tumakbo palapit sakin. Agad akong niyakap ni Kiel at tsaka ito nagpabuhat sakin.

"Hala Kiel! Mahiya ka naman kay Ate Bhem, nagpapabuhat ka pa!" nahihiyang sabi ni Lmnop.

"Bakit Tita? Okay lang naman kay Mommy Bhem e"

tapos nginitian niya ako at ngumiti naman ako pabalik sakanya.

"Wow ha,Mommy talaga ? Feeler much? hmm.. kanina ang tamlay mong bata ka, ngayong nandito si Ate Bhem, bigla kang sumigla? Yung totoo, energy booster si Ate Bhem?" pang aasar ni Lmnop sa pamangkin.

sinamaan lang siya ng tingin ni Kiel. Agad naman akong sumingit sakanila.

"ako? energy booster? edi wow!"

tapos tumawa kaming tatlo.

Nang makita ako ng mga magulang ni Abcde, sinalubong nila ako agad ng yakap at halik

. Natutuwa ako, parang wala pa ring nagbago. Sobrang welcome pa rin pala ako sa family nila

"anak, napadalaw ka? masaya kaming makita kang muli dito" sabi ni Tita Alpha,

"Tinawagan po kasi ako ni Kiel Tita,Tito, sabi po kasi niya may sakit siya, kaya agad akong nagtungo dito"

"Aba, di ikaw  na talaga Kiel!  Tsaka teka anak, diba sabi namin noon, mama at papa ang itatawag mo samin?" paniningit naman ni Tito Ferns

Napangiti naman ako. Wala pa rin palang nagbabago kahit na matagal na kaming wala ni Abcde. Akmang sasagot palang ako ng bigla bigla nalang may sumigaw.

"Ma!Pa! Nakakahiya kay Bhem! Nagpapatawag na naman kayo ng mama at papa sakanya.

Napatitig lang ako sa nakaboxer shorts lang na si Abcde..

My Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon