Chapter22

34 2 1
                                    

CHAPTER 22

1 week after.

*ring**ring*

agad kong kinuha yung phone ko at saka ito sinagot

"hello?"

*"bhem, pwede mo ba akong i-meet bukas? gusto kasi sana kitang makita bago ako umalis" sabi ni Zymer sakin sa kabilang linya

"Huh? San ka ba pupunta?" pagtatanong ko.

"Pupunta na akong Paris, pinapasunod kasi ako ni papa don. Hindi ko alam kung kailan ako makakabilik dito sa Pilipinas, kaya sana man lang sa huling pagkakataon ay makapagkita tayo"

dama ko ang kalungkutan sa tinig ni Zymer. Sobra rin akong nalungkot sa sinabi niya.

"Ba't biglaan naman ata ang pagpunta mo dun Zymer?"

"Matagal nang naka plano ang pagpunta ko dun Bhem. kaya sana, pumayag kang makipagkita sakin bukas bago ako umalis"

"Sige. Makikipagkita ako."

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Zymer's POV

Marahil nagtataka kayo o naguguluhan na sakin, may girlfriend na nga ako tapos di ko pa malayuan si Bhem. Sa totoo lang, maging ako man naguguluhan . Mahal ko nang talaga ang girlfriend ko at the same time mahal na mahal  ko parin si Bhem. Alam kong mali ang magmahal ng dalawa ngunit  sadyang malaro yata ang pag ibig. Pareho silang ayaw kong mawala sa buhay ko. Ngunit alam ko, dadating din ang araw na kailangan kong mamili sakanilang dalawa. At kung dumating man ang panahon na yon? Alam ko na kung sino ang pipiliin ko.

. Bale kaming dalawa ni Yenn ang magkasamang pupunta sa Paris. Business partners din kasi ang family namin.  and honestly, botong boto ang mga magulang ko kay Yenn.

Pero kung ako yung magde-decide? ayokong umalis. Ayokong malayo kay Bhem. Ngunit wala akong magagawa, kailangan kasi ako ni Papa sa Paris. At sa kahuli-hulihang pagkakataon, gusto kong makasama si Bhem kahit sa maiksing oras lamang.

Ilang araw ko na rin itong pinag iisipan , kung talagang sisiputin ako ni Bhem bukas, hindi na ako magtutuloy pa papuntang Paris. Ang pagsipot niya din ang gagawin kong hudyat upang putulin na ang relasyon namin ni Yenn. Kaya sana..

sana siputin niya ako.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

9am na at 6 hours nalang ay flight na ni Zymer papuntang Paris. Ito ang araw na nagdesisyon akong sabihin na sakanya na mahal ko pa siya. Wala na akong paki alam pa kung sila man ni Yenn. Desperada na kung desperada.  Ito nalang din ang alam kong paraan upang mapigilan ko siya sa pag-alis niya.  Palabas na ako ng bahay ng maka received ako ng text magmula kay Zymer.

From : Zymer

-Bhem ,nasan kana? Kanina pa ako naghihintay dito.

agad naman akong nagreply sakanya.

To : Zymer

_papunta na ako.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Zymer's POV

Limang oras at kalahati na akong naghihintay sa pagdating ni Bhem, kaso wala pa rin siya. Tinext ko na siya ng tinext kaso wala naman akong  natanggap na reply niya. Tanging isang text lang niya ang natanggap ko kanina .

One hour nalang ay flight ko na. Gustuhin ko man siyang antayin ay wala na akong magagawa. Kailangan ko ng umalis. Hindi siya dumating, di nya ako sinipot. Isa lang ang ibig sabihin non..tutuloy na akong Paris kasama si Yenn. Tanging ang pagpigil lamang sana ni Bhem  ang magiging hudyat upang hiwalayan ko na rin si Yenn.,kaso hindi siya dumating. 

My Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon