Chapter 24.1

28 2 1
                                    

Napapadalas ang pagkikita namin nina Kiel. Sobrang napaka malapit na namin sa isat~isa. Mommy na nga rin ang tawag niya saakin eh. Minsan tuloy gusto kong tanungin ang Daddy niya kung nasan ba talaga ang Mommy ni Kiel.

"Oh? Swimming na tayo baby!"

"Okay Daddy! Pero dapat kasama din natin si Mommy!"

Tinignan naman ako ng Daddy ni Kiel ng "okay lang ba sayo look"

ngumiti naman ako at agad akong lumapit sakanila.

Habang nilalaro namin si Kiel dito sa pool. May isang matandang lalaki ang lumapit samin.

"What a happy family! Can i take you some pictures?"

Ngumiti naman ng ubod lapad si Kiel at nag sisisigaw ng YES! YES!

Napangiti nam'n kami sa ginawa niya.

Hindi parin mawala sa labi ko ang mga ngiti. Na-imagine ko lang kasi ang sarili ko, having a family like this. Ang saya siguro ano?

Around 5Pm na ng magdecide kaming umuwi. Sobrang himbing na himbing sa pagtulog si Kiel habang kalong ko siya.

"Wow! Pwede ka ng maging mommy!"

Namula naman ako sa sinabi ng Daddy ni Kiel.

"Abcde, if you don't mind.. asan ang mommy ni Kiel?"

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Bigla itong lumungkot

*sigh* "Wala na ang mommy niya. Patay na"

Uh-oh, wrong moved..Mali atang tinanong ko pa siya.. Nakakahiya.

"Sorry Abcde"

"It's okay Bhem"

Nagulat nalang ako ng hawakan niya ako sa kamay.

"Bhem, sorry for everything. Sorry if I left you hanging. Sorry for not telling you my reasons. Ayoko lang na masaktan ka noon. But I didn't mean everything. Diko ginusto na mabuntis si Leslie ,di-"

Bago pa siya magsalita, pinutol ko na yung kung ano pa man ang sasabihin niya.

"I've heard enough. Hayaan mo na yun. Past is past ika nga nila. Okay na ako Abcde. "

Tinignan niya lang ako at muli siyang nagsalita

"Pero lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sayo non, totoo. Sobrang minahal kita Bhem..mahal na mahal pa rin kita."

Binitawan niya ang kamay ko , sumandal siya sa kina uupuan niya at saka siya pumikit.

*silence*

Nakita ko ang unti-unting pag agos ng luha sa kanyang mga mata.Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong punasan ang mga luha niya ngunit hindi ko magawa. Nakaramdam din ako ng mabigat saaking damdamin. Ngayon ko lang kasi siya nakitang umiyak .

"Pwede mo ba akong bigyan ng isa pang pagkakataon Bhem?"

Automatic naman akong napatango. Hindi ko alam kung bat ako pumayag. Isa pa Ayoko kasi siyang nakikitang umiiyak. Magulo man ang isip ko, ay pumayag na lamang ako.

My Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon