Nasa isang Children's Park kami ngayon ni Abcde at masayang pinapanood ang mga bata. yakap yakap lang niya ako at sobrang saya lang namin talaga. Habang lumilipas ang mga araw, mas napapamahal na ako kay Abcde. unti-unti ko na ring nakakalimutan si Zymer.
"Babe, aalis nga pala ako ha, sana wag kang magagalit..Pupunta kasi akong Europe Two weeks from now" malungkot na sabi ni Abcde sakin
Parang bumigat naman yung pakiramdam ko.
'Ba't ngayon mo lang sinabi sakin? Gano ka katagal don?" tanong ko
Huminga muna siya ng malalim bago niya ako sinagot.
" Biglaan lang babe, may business kasi si Papa dun at sakin nya yun pinapa-handle. Para rin naman yun sa future natin eh. Mga tatlong taon ako dun babe"
"T-Tatlong taon? Di ko yata kayang mawalay sayo ng ganon katagal" garalgal na ang boses ko at pinipigilan ko na ang mga nangingilid kong luha
"Kaya natin yan babe. Tiwala lang. May skype naman eh, tsaka tatawag tawagan naman kita parati."
"Ano pa nga bang magagawa ko babe"
*ring* *ring*
"I'll answer this call lang babe okay?" pagpapaalam ni Abcde. Tinanguan ko lamang siya.
Inabot na ata ng 30 minutes bago matapos yung pakikipag usap ni Abcde sa phone. Bakas sa mukha niya ang pagkairita nung lumapit siya sakin
"What's wrong babe?" agad na tanong ko
"Nothing. Halika na, hatid na kita" cold na sabi niya.
************************
Two days ng cold ang treatment sakin ni Abcde. Ni hindi na niya ako tinitext. Pilit kong inaalala kung may pinag awayan ba kami o may nagawa ba ako para maging ganun siya kaso wala naman akong maalalang nagawa ko. Sa twing itetext at kakamustahin ko siya, tanging single letter lamang ang nerereply niya, "K". *sigh*
Lookin' in your eyes
I see a paradise
This world that I found is to good to be true..
agad kong kinuha yung tumunog na phone ko, at nagbabakasakali akong si Abcde yung nagtext. Napangiti naman ako nung makita ko kung sino yung sender. Kaso ang ngiting kanina'y nag-form sa labi ko ay biglang napalitan ng matinding lungkot ng mabasa ko ang content ng text.
From Abcde,
- Bhem, I need space. Magbreak na tayo.
Unti-unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Halos ayaw kong maniwala sa tinext niya.
To Abcde
-Hoy Abcde Kian Flores. You're kidding me right? Space space ka dyan. Patapon kita sa outer space eh
*( I'm not kidding Bhem. Seryoso ako. Magbreak na tayo please. Let's end this.")*
"but why? For what reason? wala naman tayong problema "
*(Hindi mo na pwedeng malaman pa Bhem. Break na tayo. Alagaan mo nalang sarili mo. Bye.)*
*sniff* *sniff* ang sakit... ang sakit sakit.. Wala na akong alam gawin pa kundi ngumawa ng ngumawa. Nakipagbreak siya sakin ng walang dahilan? Nang hindi ko alam ang dahilan? Ouch! Ngayong lumalalim yung pagmamahal ko sakanya tsaka naman nagkakaganito. Bakit ba parati nalang nila akong iniiwan sa ere pagkatapos kong mapatunayan sa sarili ko na mahal ko sila. Una si Zymer. Ngayon si Abcde naman. Sa dalawang beses na nagmahal ako ng totoo, dalawang beses din nila akong iniwan mag isa sa ere.
*ring* *ring*
*(Hello Bhem? Nalaman kong nakipagbreak si Abcde sayo and he left you with no reasons. Tinawagan niya ako kanina to check on you. Nag open din siya sakin at nalaman ko yung dahilan niya. )*
"Dianne... *sniff* tell me, ano ba yung *sniff* rason kung bakit sya nakipagbreak sakin?"
*( Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin 'to ngunit desidido talaga si abcde na wag sabihin yung rason sayo. Ayaw na daw kasi niyang dagdagan ang sakit na nararamdaman mo. Pero dapat mo rin naman tong malaman eh, pero sana let's just keep this nalang kapag nalaman mo kung ano nga ba yung dahilan niya okay?)*
"okay, now tell me"
*(Nung magkasama raw kayo sa park , He received a call right?*
"Yup..Then?"
*( Ex girlfriend niya pala yung tumawag non. He told Abcde that she's pregnant and Abcde is the father.)*
Parang unti-unting nadurog ang puso ko.. Halos hindi ko na magawang sumagot kay Dianne.
*(Bhem? Still There?)*
"O-oo nandito pa ako. *sniff* P-pero sigurado na bang si Abcde ang ama?"
*(Hindi ko alam, pero three months pregnant na raw yung girl. Meaning hindi pa kayo non hindi ba?)*
"Oo..Alam mo ba kung ano yung pangalan nung girl?"
*( Leslie Crawford daw according to Abcde, and 2 years din na naging sila)*
"Oh,O-okay.. Thanks sa information dianne."
Then I ended the call.
Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Abcde dahil ni minsan hindi niya nakwento sakin yung tungkol kay Leslie, ang masaklap pa..may nangyari na pala sakanila at may anak pa..kung totoo mang si Abcde ang ama ng bata, sino ba naman ako para makipag agawan pa. Ayoko mawalan ng ama ang napaka inosenteng bata. Hindi ko na ipaglalaban pa si abcde. Mas kailangan siya ng bata. Kaya ko naman ang sarili ko. Kahit masakit na isuko si Abcde, kailangan kong gawin yun,for the sake of the baby. Mas iisipin ko ang kapakanan ng bata kaysa sa sarili kong kapakanan. The baby needs Abcde more than I do. Hindi na ako magpaparamdam pa kay Abcde.

BINABASA MO ANG
My Mr. Yabang
Teen FictionLAhat naman tayo gustong main-love balang araw hindi ba? Pano kung dumating nga yung panahon na yon? tapos nainlove ka sa isang taong ang ugali ay simpatiko, mayabang, masungit at puro hangin ang dala nito sayo? Gugustuhin mo pa bang mainlove? Nangy...