Chapter 9

42 4 0
                                    

Bhem's POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina.! Magpatayan daw ba sina Zymer at Jc sa harap ko?! Pag may namatay sa kanila, konsensya de cargo ko pa. Kaya isang paraan nalang ang naisip ko kanina para tumigil na si Zymer sa panununtok kay Jc, yun ay yung piliin ko si Jc. Hindi ko alam kung tama ba yung naging desisyon ko. Gusto ko din naman si Jc eh. Nakakaawa nga lang si Zymer kanina. Nung nagtitigan kami? Halata sa mga mata niya ang mga nangingilid niyang luha. Mas lalo akong naawa sa kanya nung sinuntok niya yung pader,, alam kong sobrang nasaktan ko na naman siya.

lookin' in your eyes, I see a paradise

This world that I found is to good to be true..

Agad kong kinuha yung phone ko at tinignan kung sino yung nagtext saakin.

Fr. Zymer Kambing

-Hindi pa rin ako susuko Bhem.. Magiging akin ka din. masakit man yung ginawa mong pagpili sa put*ng *nang lalaking yon?  Wala pa ring makakapagbago sa katotohanang mahal talaga kita.

Nakaramdam ako ng awa kay Zymer. Talagang mahal niya talaga ako.  Makakalimutan mo rin ako balang araw Zymer...

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Zymer's POV

P*ta! Paulit ulit na akong sinasaktan ni Bhem! Paulit ulit na rin niya akong nirereject. Mukha na talaga akong tanga! Langya. Pero kahit ginaganon ako ng babaeng yon, mahal ko pa rin siya. Hindi pa rin ako titigil sa panliligaw sakanya,. Maaaring ngayon, panalo yang Jc na yan, pero hinding hindi ako agad susuko. Kahit kailan hindi marunong sumuko ang gwapong tulad ko.

********************************************************

Kalat na sa buong school ang balitang kami na ni Jc, . Masaya naman kami so far, approved na din si Jc kay Mama. Madalas kasi siyang nadalaw sa bahay eh, si Zymer naman , ayon pinanindigan talaga niya ang hindi pagtigil sa panligaw sa akin. naiinis na nga si Jc eh, kaso kako sakanya wag na niyang intindihin si Zymer.

"hi Bhem" bati saakin ni Zymer

"Hello" kako naman.

"Himala, di mo kasama yung boyfriend mo?"

"Nag absent siya eh, 1 week siyang mawawala. Nagpunta kasi siyang Antipolo eh"

"Oh ganon ba? So ako muna maghahatid sundo sayo habang wala siya okay? Ako muna pansamantala ang acting boyfriend mo, wag ka ng tumanggi okay? Hindi mo pwedeng tanggihan ang ubod sa gwapong tulad ko"

"Haha sira ka talaga.. Okay lang saakin yung ihatid sundo mo ako, besides friends naman tayo, pero yung maging acting boyfriend kita? Patawa ka ha, "

So ayun na nga. Isang linggo akong hatid sundo ni Zymer. Bilib na talaga ako sa taong yan, grabe kung magmahal! Nagiging malapit na din ako sakanyang talaga. Parang wala na nga saakin yung kayabangan at kasungitan niya. Nasasanay na rin kasi ako sa ugali niyang yun. Hmmmm.... namimiss ko si Jc, 1 week na yung di nagtetext saakin ah. Text ko nga siya.

My Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon