7 Years Later...
Habang busy ako sa pagliliwaliw dito sa park, may narinig akong boses ng isang batang lalaki na umiiyak.
"huhuhu yaya.."
"yaya.."
"yaya.. "
Agad kong tinungo kung san man nagmumula yung tinig. Sa may di kalayuan, nakita ko ang isang batang lalaki na nakaupo , nakayuko at sobra ng nag-i-iiyak. Agad akong lumapit dito at Umupo ako sa tabi ng bata, saka ko siya kinausap.
"anong nangyari baby boy? why are you crying?"
humarap naman ngayon saakin ang batang kanina pa'y nakayuko. Sobrang laki ng pagkagulat ko ng masilayan ko ang mukha ng bata . He looks familiar.
"nawawala *hikbi* po kasi *hikbi* ako "
sagot niya.
"Tahan na, hahanapin natin ang mga magulang mo, pero bago yun tumigil ka muna sa pag iyak okay? Gusto mo bili tayo ng ice cream?"
Bigla nalang tumahan ang bata at tsaka niya ako masayang hinila papunta kay mamang sorbetero.
"oh ano nga palang pangalan mo baby? Ako nga pala si Ate Bhem "
"Kiel Lester po" sagot naman niya na may kasamang ngiti.
Habang enjoy na enjoy ang bata sa pagkain ng ice cream niya ,diko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya. Yung bawat pagngiti niya, yung mga mata niya, he reminds me of someone,
Until may lumapit saming babae at nagpakilala itong yaya ni Kiel saakin. Agad namang yumakap si Kiel dito.
"yaya!" sigaw ni Kiel
"Naku ikaw talagang bata ka, napaka lekot mo,sus ginoo. Deto lang pala keta mahahanap, .."
natawa naman ako sa accent ng yaya ni Kiel, bisaya siguro yung yaya niya. :D may pahawak hawak pa siya sa ulo niya habang nagsasalita.
"Hala sorrey po ma'am , nagpalebre pa ng sorbitis etong alaga ko sa enyo. Kanena ko pa po siya henahanap . Akala ko nawala na talga siya, patay sana ako kay ser neto!"
dire-diretsong pagsasalita ni Yaya .
"Haha naku,nakakatuwa naman po kayo, chill lang ho, hinay hinay lang po sa pagsasalita. hehe tsaka nakita ko lang po kasi siyang naiyak kanina kaya nilapitan ko"
"naku sorrey talaga sa abala ma'am, begla begla nalang kaseng nawala sa panengen ko etong batang ere"
"Okay lang po talaga yun , saka wala naman po akong ginagawa eh, namamasyal lang din naman po ako rito eh."
"Sege ma'am? kailangan na po nameng umuwe ni Kiel at baka hanapen po kame ne ser, pasinsya na po sa abala "
"oh sige po"
Hindi pa man din nakalayo sina Yaya at Kiel, biglang tumakbo si Kiel palapit sakin at hinila ang damit ko. Agad naman akong umupo upang magtapat ang mukha namin.
Napangiti nalang ako kasi bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"bye Tita Bhem"
ginulo-gulo ko naman ang buhok niya tsaka ko siya nginitian.
"sweet.. ingat kayo Kiel okay."
at tumango naman ito tsaka na sila tuluyang umalis.
Hindi ko man mawari ngunit ang gaan gaan ng loob ko kay Kiel. Hindi rin maalis sa isipan ko yung mukha niya, familiar talaga eh.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
BINABASA MO ANG
My Mr. Yabang
Teen FictionLAhat naman tayo gustong main-love balang araw hindi ba? Pano kung dumating nga yung panahon na yon? tapos nainlove ka sa isang taong ang ugali ay simpatiko, mayabang, masungit at puro hangin ang dala nito sayo? Gugustuhin mo pa bang mainlove? Nangy...