nine

104 9 14
                                    

☘︎
NINE YEARS AGO


Muskuvado · 1:34 PM

Ramiro
huy
koi

Koi
O?

Ramiro
tinapon na naman daw ni fleur yung baon mo?

Koi
Ah yun ba, oo

Gustavo
LAH
e diba itlog at tuyo lang yon?

Koi
Oo
Di naman niya tinapon
Nasanggi lang

Gustavo
Nasanggi?

Ramiro
1 week nang sinasanggi?

Koi
Nagsorry siya ano ba naman kayo
Wag nga kayong magtext
Baka mahuli tayo ni mam
Panglawang iphone na to Ramiro
Nakakahiya naman kung iconfiscate ulit ni mam

Ramiro
amp marami pa namang ganiyan sa bahay
wag ka mag alala

Gustavo
Di ka kasi marunong ng ninja moves Koi
Tuturuan kita mamayang uwian

Ramiro
oy sa break
canteen tayo
bilhan kita lunch

Koi
Ramiro

Ramiro
Koi, my labs
WAG KA NGANG MAHIYA

Koi
Ang sama na nga ng tingin sakin ng mga kaklase natin pag magkakasama tayo
Baka iniisip nila pineperahan lang kita

Gustavo
Ganon din nararamdaman ko e
Sorry ramiro
Minsan nakakahiya lang talaga

Ramiro
ANO BA NAMAN KAYO
parang di tayo tropa
tsaka di nyo naman ako pineperahan e
ako ang nagbibigay sainyo ng kung anu ano

di rin kayo nag papalibre
kusang loob yon

Gustavo
Ang bakla natin :(

Koi
Sira

Ramiro
basta ah pagka-bell racing sa canteen

Gustavo
For sure mahuhuli si Koi kasi wala siyang energy

Koi
HOY MAS MABILIS PA NGA KO TUMAKBO KAY RAMIRO

Ramiro
luh nagyabang????
kasama kaya ako sa varsity

Koi
Ako rin naman
Sana
Kaso di ako nag try out
Baka masapawan ko yung
anAk nG mAyOr

Ramiro
siraulo ka ah

5:16 PM

Saira
fleur
bakit mo naman ginawa kay Koi yun?

Fleur
Nasanggi ko nga lang

Saira
pareho nating alam na sinadya mo yon

Fleur
Whatever
Shut up

Saira
what's wrong with you?
bakit ba galit na galit ka kay koi?

Fleur
Wala lang
Nakakairita ang mga taong katulad niya

Saira
pag nagsumbong si koi pwede kang maguidance

Fleur
Alam nya namang walang kwenta kung magsusumbong siya
Di naman sya paniniwalaan

Saira
you better stop fleur
wala kang mapapala kay koi

Fleur
You're not my mom
Stop acting like one

ForsakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon