sixteen

112 9 5
                                    

☘︎
NINE YEARS AGO

Fleur


3:16 PM

Saira
uy san ka pupunta????
magsastart na tayo ng practice sa cheerdance

Fleur
Naiwan ko yung face towel ko sa room
Practice lang naman e
Pwede pang humabol

Saira
eeeeh alam mo namang di ko kaclose tong mga kagrupo natin

Fleur
Okay lang yan
Chill ka lang
Mabilis lang to

Saira
bilisan mo ha huhuhu
ang sungit pa naman ng leader natin

Fleur
Aku bahala sayo


Pinatay ko na ang cellphone ko habang naglalakad pabalik sa room. Kung bakit ba naman kasi naiwan ko pa yung face towel ko. E ayoko namang mag-P.E ng walang pamunas sa mukha, sobrang hassle non. Sa third floor pa naman yung room namin, nakakainis.


Inakyat ko ang hagdan habang kumakapit sa stair rails naming kulay yellow ang pintura. Grabe, sobrang init ng panahon—mabuti na lang last subject namin ang P.E. Pagkatapos magpawis, pwede nang umuwi. Maliban na lang kung yung grupo niyo ang naatasan sa week ng cleaners.


Pinihit ko ang pintuan naming kulay brown at narinig ko ang langitnit nito. Pa'no ba naman, luma na nga, ayaw pang palitan. Nagulat na lang ako nang makitang may isa pa kaming kaklase dito sa room na naiwan. Nakahiga siya sa sahig at unan ang kaniyang gamit na gamit na bag.

Lumapit ako sa upuan ko at binuksan ko ang bag ko para kunin yung face towel ko do'n. Uminom muna ako ng tubig dahil talaga namang nakakahingal mag-akyat panaog sa third floor no.

Inalis ko ang pagkakatupi ng jogging pants ko at lumapit kay Baltazar. Umupo ako sa tapat ng niya—sobrang himbing ng tulog animo'y pagod na pagod.

Para talaga siyang labanos sa kulay niya. May mga mahihirap pala na ganito kaputi? Palibhasa hapon ang nanay niya kaya nakuha niya ang ganyang kutis. Nakakainggit.

Akalain mo nga naman o, mukha pala talagang anghel 'to sa malapitan. Hindi ko namalayang napapatitig na ako.

Tinignan ko muli ang cellphone ko.



3:25 PM

Saira
hoy
nasan ka na?

Fleur
Sumama bigla ang pakiramdam ko e
Pumunta ako ng clinic

Saira
ganun ba?
sige
babalik na ko sa practice



Ibinaba ko ang cellphone ko at bumalik sa pagtitig sakaniya. Inabot ko ang school ID niya, grabe ang ganda siguro ng lahi nila? Koi Federico Baltazar. Ang pangit ng second name niya, parang pang lumang panahon. Yung akin din e ganon, Amelia.


Hay nako.


Bigla umangat ang korte ng aking labi nang may kalokohang pumasok sa isip ko. Lumapit ako sa bag ko para ayusin na dahil maya maya lang magb-bell na.


For sure, sampung minuto matapos yung magbell saka pa lang aakyat ang mga kaklase ko kaya susulitin ko na ang pagkakataon.


Tumayo ako at lumabas ng room. Umupo ako sa sahig at nilatag ang dalawa kong binti don at pinagcross. Naglaro muna ako ng ilang games sa cellphone ko habang naghihintay para di naman ako maburyo.


Ilang minuto pa, tumunog na nga ang bell. Narinig ko ang kaluskos sa loob ng room at ang ingay ng pag galaw ng silya. Tumawa ako ng mahina at tinakpan ang aking bibig. Lumabas si Baltazar ng room, nakatungo at mukhang nagmamatadali. Inaayos niya ata ang buhok niya. Ni hindi man lang niya nakitang nakaupo ako sa daraanan niya! Grabe! Ganoon ba ka-occupied ang utak niya?


Ganunpaman, hindi ko inalis ang paa ko sa daan. Napatid siya at maririnig ko ang malakas na kalabog. Tumayo ako at tumawa muli ng mahina.


"Bakit ba ang bobo mo Koi?" Rinig kong sabi niya sa sarili niya. Tumayo siya at pinagpag ang katawan niyang lumampaso sa sahig. Para siyang nagdive ng walang tubig.


Binaling niya sa'kin ang tingin niya at nagsalubong ang nga kilay ng mortal kong kaaway. "Pinatid mo 'ko?"


Ipinilig ko ang ulo ko pakanan, "hindi ba halata?" Kitang kita ko ang frustration sa mukha niya. Grabe, naeexcite ako na natatawa. I can't believe he fell for that.


Lumapit siya sa akin at dahan-dahan akong napaatras. "Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin? Bakit ako?" Mariing wika niya habang patuloy pa ring naglalakad papalapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pader.


Nakita ko ang puladong kamay niya na mukhang nabalatan at nagasgasan ng kaunti. Nakaramdam ako ng kaunting guilt pero winaglit ko yon. "E kasi, ayaw ko sa 'yo." Pabalang na sagot ko sa kaniya. Napahilamos si Baltazar sa mukha niya at tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata.


"Hindi ka na bata, mag-mature ka naman. Ano bang problema mo sa'kin?"


Ramdam ko ang inis at pagkaubos ng pasensya niya ngayon habang kinokompronta ako pero wala akong pakialam. I won't back down.


"Anong problema ko sa'yo? Wala—kasi ikaw mismo yung problema! Kayo yung problema!" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.


Huminga ako ng malalim at umalis sa awkward naming pwesto. "Kayong mahihirap, pabigat kayo. Pabigat sa lipunan! Pabigat sa bansa!"


Hindi ko inaasahang hihilahin ni Baltazar ang braso ko at sobrang lapit namin ngayon. "Sa tingin mo ba gusto namin 'to? Ginusto ko ba—hiniling ko bang maging mahirap?" Mabigat na pagbibitaw niya ng mga salita. Iniwas ko muli ang tingin ko sa kaniya.


"Pwede ba? Wag niyong ipagsiksikan ang mga sarili ninyo sa lugar kung saan di kayo nababagay! Tapos magrereklamo kayo na nahihirapan—" pinutol niya ang paglilitanya ko.


"Kailan Dmitri—kailan ako nagreklamo? Sino ka ba para ipagtabuyan ako? Sa'yo ba 'tong school? Hindi naman e. Wala kang alam sa kung anong pinagdaraanan namin."


"Wala kang kaparatang ipagkait sa'kin ang mga bagay na gusto ko—sino ka ba sa tingin mo?"
Tanong niya sa akin. Napatungo ako ng saglit.

Dahil sa takot na baka may makarinig samin nag madali ako at taas noo siyang tiningnan, di ko pinansin ang mga pinagsasabi niya. "Ito ang tandaan mo Baltazar, basura ka lang sa mundo namin. Isang paawa, isang malaking pabigat sa lipunan."


Inayos ko ang buhok ko at linampasan siya. Nakakainis talaga.

ForsakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon