☘︎
Fleur
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko sa bag. Kinuha ko na ang charger ng laptop ko sa desk, baka mamaya'y malimutan ko na naman. Tumalikod ako at sinilayang muli ang wall clock ng faculty - fifteen minutes na lang at alas cinco na. Hindi puwede 'to, baka maabutan ako ng taong pinaka-iniiwasan ko ngayon. Nag-punas ako ng pawis at naglakad na papalabas, paano e nasira ang aircon namin. Ang sabi ipinapaayos na raw dahil wala pang budget para bumili ng bago, kailan pa nila 'yun sinabi? Last last week pa. Ang init kaya sa Pilipinas.Bumuntong hininga na lang ako at nilanghap ang hangin sa mismong pagkalabas ko ng faculty. Mabuti na lang may malawak na field pang lalakarin bago makaabot sa gate ng school na 'to, kahit papaano marerelax ka. Maganda rin kasi ang view ng sunset dito kaya't maraming students ang nakatambay sa field ng ganitong oras. Hay, kabataan nga naman. Mabuti pa sila, walang bayaring iniintindi.
Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko para i-check kung may nag-tetext ba o ano. Himala, walang texts si Koi ngayon? Hindi naman sa hinahanap ko. . .nung isang araw pa kasi mula noong insindente sa may sapa, ay hindi na ako nag-rereply sa text messages niya kahit panay ang flood.
Ano pa nga ba? Wala na akong mukhang maihaharap. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung pa'no ako aakto o mag-sasalita. Idagdag pa ang kapatid niyang makulit, lahat din gagawin noon para makausap ako. Mabuti na nga lang at maraming meetings at papers na inaasikaso ngayon, para naman hindi ako hanap-hanapin pa nung bata o kung masabi ko mang busy ako ay at least hindi ako maguguilty dahil totoo namang marami akong ginagawa.
Siguro naman hindi ko na kailangang mag-madali ngayon dahil mukhang tumigil naman na si Koi. Nitong mga nakaraang araw kasi lagi siyang nag-hihintay sa gate, mag-usap naman raw kami. Sa bahay rin nag-sasabi sila Papa na dumadaan daan si Koi, nag-babaka sakaling magkausap kami ng maayos. E anong gagawin ko? Hiyang hiya talaga ako sa sarili ko. Akala ko okay na, akala ko nakalimutan ko na at hindi na ako apektado. Pero sa tuwing naalala ko ang mapanghusgang tingin ni Haliyaah, hindi ko maiwasang manliit at mawalan ng kumpyansa sa sarili ko.
Paano pa kaya ngayong alam na rin ni Koi ang tungkol doon? Ano na lang ang magiging tingin niya sa akin?
Teka, bakit ko ba 'yun iniisip? Ano naman kung mag-iba ang tingin niya sa akin?
Gaga ka ba Fleur? Malamang may pag-tingin ka sa tao, natural lang na mahiya ka sa balat mo. Alam mo kasi sa sarili mo na dahil diyan maaaring lumayo ang loob n'yo sa isa't isa. Di ba?
Oo na, oo na. Hindi naman ako bobo.
Bakit ba kinakausap ko na naman ang sarili ko? Hay nako, nakakabaliw talaga.
Sa ngayon gusto ko munang i-enjoy ang mga sandaling 'to. Habang naglalakad, ngumuya ako ng natirag mentos sa bag para cool lang.
Mula sa 'di kalayuan natatanaw ko ang isang pamilyar na tindig, buhok at pananamit. Gusto kong makasiguro dahil baka namamalikmata lang ako, kaya naman hindi ako tumigil sa paglalakad para magkaroon ng clearer picture.
"Fleur?"
Pucha. Bakit nga ba nag-duda pa ako?
Mabilis akong tumalikod at nag-simula na akong lumakad palayo. Sandali, lakad pa ba 'to? Parang kaunti na lang tatakbo na ako e. Kung minamalas ka nga naman talaga, oo. Akala ko naman sumuko na. Hay nako! Ano ba naman ito?
"Fleur, sandali!" Naririnig at nararamdaman kong sinusundan niya ako kaya kahit nakakahiya, hinawakan ko na ng mahigpit ang bag ko at sinimulan ko nang tumakbo.
Badtrip!
Pinilit ko ang katawan ko sa pag-takbo kahit alam kong pupwedeng masira ang uniform ko. Bahala na, hindi talaga ako ready na makipagusap pa. Grabe, sobrang nakakahiya naman! Nakikita kami ng mag estudyanteng nakatambay sa damuhan. Another kahihiyan na naman ba 'to?