☘︎
NINE YEARS AGO
f a c e b o o k
Ramiro Olivar
9y · publicmay nanghihiram ng gitara tatapusin lang daw niya yung cinompose niyang kanta para kay l*pe
👍 Gustavo Isabel and 47 others
10 commentsGustavo Isabel
Mabuti na lang walang fb si koi HAHAHAHAFleur
Break time namin ngayon at naririnig ko ang kantyawan nila Gustav kay Baltazar. Hawak nila ang gitara ni Ramiro at mukhang balak nila haranahin si Lupe ngayong araw.
Balita ko kasi may secret admirer yun at walang palya sa pagpapadala ng love letters. Sino ba namang mag-aakalang ang hampaslupang si Baltazar pa talaga yun? Ngayon na ata siya aamin. Kailangan may gawin ako.
Lumabas yung tatlong magkakaibigan ng room mukhang maghahanda na. Ayon sa chismis sa second break daw nila yon gagawin. Agad na hinanap ng mga mata ko si Lupe at nang mamataan ko siyang nag-lalaro ng games sa phone, nilapitan ko na siya. "May sasabihin ako sa'yo," wika ko sa kaniya.
Umangat ang parehong kilay ni Lupe at inalis ang earphones na nakasaksak sa tainga niya.
Ngumiwi ako lumapit sa kaniya para bumulong. "Si Baltazar yung secret admirer mo," biglang namula ang pisngi ni Lupe at hinawakan niya ang mga 'yon.
"T-talaga?" Paninigurado pa niya kaya tumango lang ako. I crossed my arms at umupo ako sa tabi ni Lupe. Mukhang di niya inexpect yun ah?
Binunot ko ang cellphone ko. "Alam mo ba nung isang gabi nakita ko sila nila Ramiro, umiinom sa tapat ng tindahan nila Aling Nely." Maintriga kong kwento sa kaniya. Binuksan ko ang album ng phone ko at nagpakita sa kaniya ng malabong picture ng tatlong lalaking nakatalikod at umiiom.
Naguguluhan akong tinignan ni Lupe, "paano ka naman nakakasigurong sila Koi 'yan?" Tinanong niya ako sa mahina at sa feminine niyang boses.
Hindi na talaga ako magtataka kung bakit napakaraming manliligaw nitong si Lupe. Mahinhin, mayumi, mabango, mabait, at matalino. Hindi mahirap kausapin at malawak ang pang unawa. Kaya nga hindi ko alam kung anong pwedeng maging negative kay Lupe.
Hindi siya mahirap magustuhan dahil parang na sa kaniya na talaga ang lahat. Pati tuloy ang puso ni Emmanuel nabihag niya. Kawawa naman ang kapatid ko, sa dami nang sumusuyo kay Lupe—may tiyansa pa ba siya?
"Maniwala ka sa akin, nadaanan ko yan sila at ako mismo ang kumuha ng litratong 'yan," pagsisinungaling ko pa.
Alam ko kasing ayaw ni Lupe sa lalaking may bisyo dahil bali-balita dito sa amin na lasinggero ang tatay niya. No wonder, mawawalan siya ng gana kay Baltazar ngayon.