☘︎
SEVEN YEARS AGOFleur
Habang nililigpit ko ang mga libro ko. Tumingin ako sa orasan ng room. Kanina pa pala nag-bell, hindi ko na namalayan dahil masyadong occupied ang isip ko tungkol sa mga quiz bukas.
Tumayo na ako at sinuot ang back pack kong pink at naglakad na ako papalabas ng room. Habang nilalakbay ko ang daan papunta sa gate nakarinig ako ng ingay at daldalan sa may hagdan.
"Di ko na talaga kayang tiisin si Fleur, guys." Bigla akong napatakip sa bibig ko nang marinig ko ang pangalan kong pinaguusapan. Maingat kong sumilip para malaman kung sinu-sino silang nag-uusap ngayon.
Nagulat ako nang makita kong sila ang circle of friends ko sa room. "So pinaplastic niyo lang pala siya?" Sabi pa ng isa—nakakawalang ganang isa isahin pa ang mga pangalan nila.
"Kung hindi lang matalino si Fleur, di ako sasama sa kaniya." Pagpapahayag ng inis ng isa sa kanila na parang diring diri sa'kin.
"Napakasama ng ugali ng babaeng ‘yon—akala mo kung sino? Ayokong matulad kay Koi no!"
"Oo nga, baka pagkatapos niya kay Koi, tayo naman ang isunod niya."
"Ayoko nang dumikit sa kaniya, sa totoo lang."
Parang pinupunit ang puso ko sa mga naririnig ko. Patuloy pa nila akong pinag-usapan, nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Pinakikinggan ang lahat ng galit nila sa'kin.
Tumungo ako dahil alam kong anytime now babagsak ang luha ko.
Bakit ba ako umiiyak? Hindi ba’t malakas ako? Matapang? Palaban? Bakit ba ako nasasaktan sa mga simpleng salitang ‘yan?
Wala akong pakialam. Hindi ko naman sila kailangan, tama.
Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa mukha ko. Bigla kong naramdaman na may tao sa likod kaya agad akong lumingon at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Baltazar. Sisigawan ko sana siya pero sinenyasan niya akong h’wag mag-ingay.
Umumpo siya sa tabi ‘ko kaya tinignan ko siya ng masama na para bang nangangamba ako gawa ng distansya namin sa isa't isa.
Lumapit pa siya sa akin at hahawakan sana ako, pinigilan ko siya at tinanong, "anong gagawin mo?"
"Basta."
Nagulat ako ng maramdaman ang kamay niya sa likod ko at hinahagod ito. Bigla akong nakaramdam ng kurot sa puso ko. Para akong nanghihina sa ginagawa niya, dahilan para mas lalo pa akong maiyak.
Walang sawa at patuloy pa rin sila sa pag-tatalo kung anong balak nilang sa gawin sa isang tulad ko. Gusto na nga ata nila akong patayin, hindi lang nila masabi.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Baltazar at hinila ang kamay ko. Pinilit kong magpumiglas pero wala akong binatbat sa lakas niya. Nang makita kami ng circle of friends ko, bigla silang tumigil sa pag-uusap. Bakas ang takot sa kanilang mukha na para bang nakakita sila ng multo.
Walang iba kundi ako.
Linampasan namin sila na parang wala kaming nakita. Nang makarating kami sa gate ni Baltazar, sa wakas ay nakawala na rin ako sa hawak niya. "B-bakit mo ‘yun ginawa? Hindi ako ready!" Naiinis na wika ko sa kaniya.
"Hindi ako ready," pang-gagaya pa nito sa tono ng boses ko.
Sinapak ko siya sa braso, dahilan para mapa-aray siya at tumawa pagkatapos. May problema ba ‘to sa utak?
Walang nagsasalita sa amin. Pareho kaming nakatayo at tinititigan ko lang ng masama ang lalaking nakapamulsa sa harap ko.
Lumapit siya sa’kin at inangat ang baba ko. "Hindi ako sanay sa nakatungong Dmitri—hindi bagay sa’yo." Nginitian niya ako ng matamis.
Panalo ko ang kamay niya para alisin ang pagkakahawak sa’kin. Nakalimutan niya na ata.
"Laban lang," aniya sa kalmadong tono at pinat niya ang ulo ko.
Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko kaya tumakbo ako palabas ng school. Narinig ko ang pagtawa niya, ilang beses akong tinawag pero hindi ko magawang lumingon. Hindi ko kayang lumingon.
Nakakainis.
6:07 PM
Hampaslupa (Baltazar)
Nakauwi ka na?Fleur
BAKETHampaslupa (Baltazar)
ANG PANGIT MO UMIYAK
TULO UHOG
DI KO LANG MASABI
KASI BAKA UMIYAK ULITFleur
wag kang magpapakita sa akin bukas baltazar!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!;;;;;;;;;;Hampaslupa (Baltazark)
May puso ka rin pala 'no?Fleur
ninakaw m
erase «WHAT THE HELL FLEUR
erase «Shut up
Pataasan na lang tayo ng score sa quiz sa mathHampaslupa (Baltazar)
Pag ako ang nanalo?Fleur
Ililibre kitaHampaslupa (Baltazar)
Yuck libreFleur
Anong gusto moHampaslupa (Baltazar)
IkawFleur
HaHampaslupa (Baltazar)
Ngumiti ka naman kako sa susunod
Papanget ka lalo niyan :pppppFleur
I !!!! HATE !!!!! YOU !!!!Hampaslupa (Baltazar)
Hahahahahaha :)
Kumain ka na
Para magkalaman ka naman